TAGB 42

30K 578 23
                                    

Khyrine's POV

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko ng magring ang phone ko. It was Andrew kaya sinagot ko na agad.

"Hello baby, nagliligpit na ako. On the way ka na ba?" Excited na kasi akong makita at makasama siya, ilang araw na din kasi kaming hindi nagkikita dahil sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw.

[Baby, hindi kita masusundo ngayon may emergency meeting kasi kami. I'm sorry, lagi nalang tayo napopostpone.] Mapopostpone na naman kami? Nakakatampo na tong mga ginagawa niya.

I took a deep breath bago magsalita.

"Okey lang baby I understand atsaka may next pa naman. Mag-iingat ka pauwi." Hindi ko pinahalata sa kanya na nagtatampo ako. Ayaw ko siyang pag-alalahanin lalo na't may meeting siya ngayon.

[Thank you baby. Promise babawi ako sayo. I love you.]

"I love---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang totoot sa kabilang linya, ibig sabihin pinatayan niya ako.

"Ano? Hindi ka na naman niya masusundo?" Pauline

Tumango nalang ako, baka kasi 'pag nagsalita ako ay tutulo nalang bigla ang mga luha ko.

"Nakakahalata na ako diyan kay Andrew ah.__By the way, sabay ka na sa akin total bibisatihin ko naman yung mga inaanak ko." Pauline

I composed myself at nakangiting tiningnan si Pauline.

"Mga anak ko kaya ang bibisitahin mo o yung Tito Kian nila?" Panunukso ko kay Pauline. Hahaha.

"Ewan ko sayo." At nagmartsa siya palabas ng opisina ko. Hmm. LQ siguro tong dalawang to.

.

Sunday ngayon, wala kaming pasok inaya ko si Andrew magmall at umuo naman siya.

Balak ko ng sabihin at ipakilala sa kanya ang mga anak namin. Ayaw ko ng maging self-fish sa kanya, may karapatan din naman siya sa mga anak namin at nagiging unfair na din ako sa mga anak ko.

"Babies, are you done?" Hindi ko sinabi sa kanila na ngayon na nila makikita at makilala yung Daddy nila. I want to surprise them.

"Yes Mommy, we're already done." They said in unison.

I smiled and said.

"Let's go!" Tinext ko muna si Andrew na papunta na ako, thex I started the engine.

.

Maaga kaming nakarating dito sa mall sa oras na napag-usapan namin ni Andrew kaya pinaglaro ko muna yung tatlo sa playground sa loob ng mall. Tinext ko na din siya na dito nalang ako maghihintay.

"Dos, wag masyadong malikot baka mahulog ka. Uno, tulungan mo naman si Tres makaakyat." Sabi ko sa mga anak ko.

Nakaupo lang ako dito sa tabi habang pinagmamasdan ang mga anak ko na masayang naglalaro at habang hinihintay kong dumating si Andrew.

Napatingin ako sa relo ko at 30 minutes na siyang late.

Hmm. Baka na traffic lang.

1 hour

.

2 hours

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan ko kung tawag o nagtext siya--pero wala. Hindi nga siya nagreply sa text ko bago kami pumunta rito sa mall.

"Mommy, I'm tired and I'm hungry." Tres said.

"Baby, can we wait for awhile? May hinihintay lang si Mommy." Tumango naman si Tres at bumalik sa paglalaro.

They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon