TGAB 12

36.8K 805 78
                                    

"Mommy, where's daddy?" Agad akong napatingin kay Tres na nakaupo sa tabi ko habang kumakain ng popcorn.

Kasalukuyan kaming nanunood ng Phineas and Ferb dito sa sala namin.

2 years old pa sila no'n nong huling nagtanong si Tres tungkol sa daddy nila at gaya nong nagdaang taon wala pa rin akong maisasagot.

"HAHAHA. Nauhan kita kay Mommy. Talo ka Uno. HAHAHA. Ang gwapo ko talaga." Biglang sumulpot si Dos at naupo sa gilid ko.

Nagpapasalamat ako dahil biglang sumulpot si Dos at nakaiwas ako sa tanong ni Tres.

"Arrrggh! Kakainis ka talaga Dos, sinabing tawagin mo akong Kuya." Reklamo ni Uno.

Tinuruan ko sila na magbigay galang sa nakakatanda sa kanila pero itong si Dos maloko, tinutukso niya si Uno sa pamamagitan ng hindi patawag nito na Kuya.

Binilatan lang ni Dos si Uno at inirapan--

.

OH MY GOSH!

Inirapan ni Uno si Dos?

Ibig sabihin-- aist! mali, mali ang iniisip ko.

Napalingon ako kay Uno na papaupo sa tabi ni Tres at nagcross legs.

"Bunso, pahingi." Nakataas ang hinliliit ni Uno habang kumukuha ng popcorn sa bowl na hawak ni Tres.

CONFIRMED!

Kasali din ang anak ko sa federasyon, tulad ng tatay nila.

.

.

"Bunso, bakit gising ka pa? Yung tatlo?" Kakarating lang ni Kuya Kevin galing sa law firm niya.

"Kanina pa tulog yung tatlo." Nakaupo lang ako dito swing sa may garden.

"Ikaw, bakit ka pa nandito? Gabi na baka mahamugan ka pa." Hinubad ni Kuya ang coat na suot niya at pinasuot sa akin.

"Di pa kasi ako inaantok. Nga pala, Kuya tinatanong na naman ako ni Tres kung nasan yung daddy nila." Kay Kuya Kevin lang ako nagsasabi tungkol sa daddy nila.

Palagi kasing umaalis si Kuya Kian ng bansa at si Kuya Kirk naman ay busy sa kumpanya at sa pagbabantay kay Ate Mitch. Kabuwanan na kasi ni Ate Mitch ngayon. Sa wakas ay natupad din ang matagal na nilang pinagdadasal.

"Anong isinagot mo?" Tila hinihintay ni Kuya Kevin ang isasagot ko.

"Hindi ako nakasagot, bigla kasing sumulpot si Dos at nagpapasalamat ako dun, wala pa rin kasi akong maisagot sa kanila tungkol sa daddy nila."

Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanila na bakla ang daddy nila at ipapalaglag sila.

Ayaw ko na kakamuhian nila ang daddy nila balang araw.

"Anong balak mo ngayon? Hindi naman habang buhay mong maiiwasan ang tanong ng mga anak mo, lalong-lalo na si Tres, na nagmana sa akin." Oo, matanong, mapanuri, at mapagmatyag.

"Maghihintay lang ako ng tamang panahon." Darating din ang tamang panahon na maiintindihan rin nila.

"Ikaw ang bahala bunso, basta nandito lang ako, kami ng mga Kuya mo." Bigla naman niya akong niyakap.

"Salamat Kuya Kevin." Yumakap na rin at ako sa kanya.

"Halika na pumasok na tayo baka magkasipon ka pa." Inalalayan akong tumayo ni Kuya at sabay na kaming pumasok ng bahay.

.

.

Pagulong-gulong ako sa kama, hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Ngayon, nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Aist! Bakit bigla sumagi sa isip ang mukha ng baklang nakabuntis at ama ng mga anak ko.

.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang luma kong phone.

Iniscan ko ito at napunta ako sa gallery.

Nakangiti ako habang ini-isang tingnan ang mga pictures ko dati. Di rin pala ako mahilig magselfie. Hehehe.

Napawi ang mga ngiti ko sa mga sumunod na pictures. Ako at si Pauline.

Kamusta na kaya yung bestfriend ko? May boyfriend na kaya yun o nag-asawa na?

Sigurado akong galit na galit yun sa akin, hindi ako nagpaalam na umalis.

Namimiss ko na si Pauline, sana magcross pa ulit ang mga landas namin at makahingi na rin ng tawad.

*****

Thanks for reading!

See you on next update...

-dkc


They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon