TAGB 9

37.3K 953 108
                                    

"KUUUYYAAA!" Woohoohoo!

WAAAAH! Ang sakit na ng tiyan ko. Woohoohoo!

Asan na ba yung mga Kuya ko?

Woohoohoo! Hoohoohoo!

*SPLASSSH!*

Hala! Pumutok na yung water bag ko.

"Bunso, bakit diyan ka umihi? Malapit lang naman yung banyo natin."

'Ay! Kuya Kian ang tanga mo, water bag ko yan.' gusto ko sana sabihin sa kanya pero di ko na nagawa, sobra na akong namimilipit sa sakit.

"Kian, anong nangyari diyan?" Naglakad papalapit si Kuya Kevin sa amin at nakatingin lang siya kay Kuya Kian.

"Si bunso kasi Kuya, umihi ba sa sofa."

"Bunso, bakit ba kasi diyan umihi? May banyo naman tayo." Arrggh! Suko na ako sa dalawang Kuya ko na to.

"ARRRGGGHHH! KUUYAAA! MANGANGANAK NA AKO!" Di ko na napigilang sumigaw, wala naman kasi silang ginawa kundi tingnan yung sahig na basa.

"HUH? MANGANGANAK KA NA?" Paulit-ulit? Aist! Ewan ko ba sa dalawang Kuya ko na to parang tinakasan ng talino.

"EWAN KO SA INYO!" Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan kahit ang sakit-sakit na ng tiyan ko.

Nakatulala pa din yung dalawang yun sa sala. Sapo-sapo ko ang tiyan ko habang naglalakad pa labas.

"Bunso, saan ka pupunta? Ba't mag-isa ka lang? Asan sina Kevin at Kian?"

"KUYA KIRK, MANGANGANAK NA AKO. WOOHOOHOO!"

"ANO?! HALIKA SUMAKAY KA NA DALI, BAKA DITO KA PA MANGANGANAK." Pinasakay naman agad ako ni Kuya Kirk sa kotse niya at pinaharurot papuntang ospital.

Agad naman kaming nakarating sa ospital at isinakay sa stretcher. Nandun na din si Ate Mitch na siyang magpapaanak sa akin.
------------------------------

.

Dkc's POV

Nang maipasok na si Khyrine sa delivery room ay siya namang pagdating nina Kevin at Kian.

Makalipas ang isang oras lumabas si Mitch ng delivery room, agad namang lumapit ang tatlo.

"Hinahanap kayo ni Khyrine. Pumasok na kayo sa loob." Muling pumasok si Mitch sa delivery room kasunod yung tatlo.

Nakita nila ang bunso nilang kapatid na nakahiga sa kama at pinagpapawisan ito.

Pinalapit na din sila ni Mitch matapos makapagsuot ng hospital yung tatlo. Pumwesto si Kirk sa bandang kanan ng ulo ni Khyrine, ganun din si Kevin na nasa kaliwa naman. Si Kian ay hawak ang kanang kamay ng kapatid.

"Bunso, kaya mo yan. Nandito lang kami ng mga Kuya mo sa tabi. Okey!" Sabi ni Kirk sabay halik sa ulo ni Khyrine.

"Okey Khy relax and when I say Push, umire ka lang okey." Sabi ni Mitch na nasa bandang paanan ni Khyrine.

"Okey Khy, 1.. 2.. 3.. PUSH!" -Mitch

"AAARRRGGGHHH!" -Khyrine

"Isa pa Khy, nakikita ko na ang ulo ng una mong baby. PUSH!" -Mitch

"AARRRRGGGHHH!" -Khyrine

"HUWAAH! HUWAAH!" *baby cries*

"Very good Khy. Okey there's 2 more.__Take a deep breath then PUSH!" -Mitch

"AARRRGGGHHHH!" -Khyrine

"1 more push Khy." -Mitch

"AAARRRGGGHHH!" -Khyrine

"HUWAAH! HUWAAH!" *baby cries*

"Bunso, isa nalang." -Kian

"Kuya, di ko na kaya. Pagod na pagod na ako." Mahinang sabi ni Khyrine.

Nanghihina na si Khyrine, di biro maglabas ng dalawang bata at may isa pa.

"Kayanin mo bunso, isa nalang. Nandito lang kami sa tabi mo." -Kevin

"AAARRRGGGHHH!" Bigla nalang napasigaw si Khyrine dahil bigla-biglang sumakit ng sobra ang tiyan niya.

"HUWAAH! HUWAAH!" *baby cries*

"Congratulations Khy, maayos mong nailabas yung bunso mo."

Pinakita ni Mitch kay Khyrine ang tatlo niyang anghel. Naiiyak na hinawakan ito ni Khyrine ang mga kamay ng kanyang bagong silang na baby.

Mayamaya ay nakatulog na si Khyrine dahil sa sobrang pagod. Nataranta naman agad yung tatlo ng bigla nalang pumikit si Khyrine.

"Tumigil na nga kayong tatlo,Nakatulog lang si Khyrine sa sobrang pagod. Ililipat na din siya mayamaya sa private room, dadalhin ko muna tong mga babies sa nursery station." -Mitch

"Sama ako hon." -Kirk

"Kami din." -Kevin at Kian

*****

Thanks for reading :)

See you on next update...

-dkc

They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon