TAGB 11

37K 787 26
                                    

"Another pose, Khy."

*click*

.

*click*

.

*click*

"Very good. Enough for today." Matapos ang photoshoot dumiretso na agad ako sa dressing room.

"Ms. Khy, diretso na po ba tayo ng uwi?" Si Gina, PA ko at pure filipina siya tulad ko.

"Oo Gina, hinihintay na ako ng mga anak ko. Ihahatid na rin kita sa tinutuluyan mong apartment." Hindi lang kasi PA ang tingin ko sa kanya, isang kaibigan din.

Naalala ko tuloy si Pauline, sigurado akong galit na galit yun sa akin, hindi ako nagpaalam at hindi ko siya kinuntak pitong taon na ang nakalipas o di kaya'y kinalimutan na niya ako.

"Hindi na po Ms. Khy magtataxi nalang po ako hinihintay na po kayo nong mga cute na yun." Sabi niya habang nililigpit ang mga gamit ko.

Alam ni Gina na may tatlong anak na ako maliban sa pamilya ko. Hindi nga siya nakapaniwala nong una dahil ang sexy ko raw parang hindi nanganak.

"Ano ka ba Gina, okey lang on the way rin naman yung apartment mo." Gabi na din kasi at madalang nalang ang taxi. Siyempre, mag-aalala din ako sa kaligtasan sa kaibigan ko.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse ko. Nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano hanggang nasa tapat na kaming apartment niya. Nagpaalam na rin siya at pinaharurot ko na ang kotse ko pauwi.

.

.

Dahan-dahan akong pumasok ng bahay na parang magnanakaw. Paakyat na sana ako sa hagdan na may nagsalita sa likod.

"Saan ka galing?" Sobrang lamig na boses ang narinig ko kaya dahan-dahan akong napalingon sa likod at nakita ko si Kuya Kevin na seryosong nakatingin sa akin.

"Pho-photoshoot, Kuya." First time ko makita ang mukha ni Kuya Kevin na napakaseryoso at nakakatakot.

Ganito siguro ang mukha niya kapag nasa hearing.Yung tipong makakasagot o makakaamin ka talaga ng totoo kapag tinatanong ka niya.

"Photoshoot? Sa ganitong oras? It's 11 in the evening." Galit na si Kuya Kevin.

"Hindi gawain ng matinong babae ang umuwi ng dis oras ng gabi lalo na't may mga anak na naghihintay." Nakacross arms pa ito.

"Ginagawa ko ito para din naman sa mga anak ko Kuya atsaka alam ko naman na naghihintay sila sa akin kaya nga nagmadali akong umuwi."

"Sinabihan na kita noon na hindi mo na kailangan pang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan ng mga anak mo kaya naman naming buhayin kayo."

"Kuya naman eh, akala ko ba napag-usapan na natin to. Gusto kong kumita at maibili na kung anung gusto ng mga anak ko galing sa pinaghirapan ko." Yun talaga ang prinsipyo ko.

"Nandun na ako. Ang sa akin lang kailangan ng mga anak mo ang pag-aalaga na isang ina. Wala na nga silang ama mawawalan pa sila ng ina." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Kevin.

'Nawawalan na ba ako ng oras para sa mga anak ko?' Sabi ko sa sarili ko.

Masaya naman sila di ba? Ako ang laging naghahatid at sumusundo sa kanila sa school. Pinabibigyan ko naman silang tatlo kung saan kami pupunta at kung ano ang gusto nilang ipabili.

"Bunso, hindi porke't pinagbibigyan mo sila sa kung anong gusto nila? Ang importante ay nasa tabi ka lang nila, inaalagaan at pinoprotektahan." Napagtanto ko tama si Kuya Kevin kailangan ng mga anak ko ang kalinga na isang ina.

"Pasensiya Kuya, ngayon naiintindihan ko na ang tinutumbok mo. Tatapusin ko lang yung kontrata ko kay Mr. Maximo saka ako magkuquit sa pagiging model."

"Bunso, hindi mo naman kailangang magquit diyan ang sa akin lang ay maglaan ng oras para sa tatlo." Ang gulo din nitong si Kuya Kevin, una ayaw niya akong magmodel ngayon magkuquit na ako parang ayaw niyang magquit ako.

"Kumain ka na ba?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Sige magpahinga ka na. Lumalalim na ang gabi. Good night..."

"Good night..." Tinungo ko na ang kwarto ko.

*****

Thanks for reading!

See you on next update...

-dkc


They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon