ANG BAWAL NA PAG IBIG

4.8K 93 8
                                    

" ANG BAWAL NA PAG IBIG "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 5

Walang katumbas na halaga ang makapagbigay ng kasiyahan sa iba. Sabi nga nila when it comes to love you don't need to count on cost.

" Ang saya saya niya kuya." aniya ni JP sa kuya Adrian nila habang nakamasid sa mga batang nasa kalinga ng ampunan na itinatag ng mga magulang nila way back then.

" Tama ka JP. Look at them kahit siguro sinong pinakamagaling na pintor ay hindi kayang iguhit ang saya na nakabalatay sa kani kanilang mukha." tugon ng binata.

Kasalukuyan nilang pinagmamasdan ang mga bata na halos mapuno ang buong gymnasium ng ampunan dahil dami nila idagdag pa ang mga bagahe na dala dala nila.

" Bakit kaya may mga magulang na ganyan kuya? Hindi naman sa ayaw ko sa kanila dahil ang ampunang ito ay para sa lahat ng nangangailangan pero sa tuwing nakikita ko ang mga bata na kahit ilang pares lang ng damit, laruan, kakanin ay tuwang tuwa na sila. Naisip ko kuya ano kaya ang buhay nila na walang magulang na kumakalinga sa kanila kapag nagkataon na wala ang ampunan na ito?" bakas sa tinig ang hinagpis para sa mga ito.

" Sis anong opinaglalaban mo? Kaya nga ipinahintulot mo BOSSING na maitatag ang ampunan na ito para may kumalinga sa kanila and from the word ampunan kaya ganyan." sabad ng bagong sulpot na si Joy.

" Manahimik ka palaka dahil hindi ikaw ang kinakausap nila! " mariing aniya ni BC sa dalaga.

Bulong man ito kung tutuusin pero sapat para marinig ng mga ito.

" Alam mo Mr Sungit este Mr Harden mas guwapo ka sana kung matuto kang ngumiti pero para kang si Miss Elizabeth Ramsey na ibinabad sa suka dahil lagi kang nakasimangot." patay malisyang tugon ni Joy.

" Kuya Christoph abah may inililihim ka na sa amin ah. Kayo na ba ni ate Joy?" CJ asked with matching giggling style.

" No way! Never!" sagot naman ng binata na lukot na ang mukha.

" Pa no way no way ka diyan kuya alam ko namang kayo na ni ate Joy ah." panunukso pa si JP.

" Oo naman sis. Kami naman talaga ng kuya BC mo eh. Iyun nga lang kami ang magkasama ngayon." pangggagatong ng dalaga na wala na yatang kasawaan sa pang iinis sa binatang tumatawag sa dito ng palaka.

Inis na inis ang binata at akmang ibubuka na nito ang bibig para sagutin pero hindi nito nagawa dahil may nagsalita sa stage ng gymnasium kung saan nagaganap ang annual gathering ng THE SURVIVORS ORPHANAGE.

Nabaling ang pansin nilang lahat sa bandang unahan ng lugar. Sa kinatatayuan ng nagsasalita.

" Magandang araw po sa ating lahat. Muli po namin kayong pinapasalamatan sa inyong pagdalo sa annual gathering ng tahanan ( apmmpunan ) natin. Lalo na po sa inyo Mr Marc Joseph Mckevin and Mrs Allien Grace Cameron Mckevin at lahat na po sa inyong lahat. Ang Diyos na po ang bahalang magbalik sa inyong kahabaitan at sana po dadami pa ang mga tulad ninyo dahil marami ang mga nangangailangan sa tulad ninyo. At bilang pasasalamat po namin sa walang sawang pagtulong sa amin, atin pong panoorin ang aming munting handog." aniya ni Issa.

Bahagyang tumigil ang dalaga sa pagsasalita at inilibot ang paningin sa kinaroroonan ng mga bata na nagkakasiyahan saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. With a huge smile covering her face.

" Hello kids. Ang sasaya natin ah." agaw pansin ni Issa sa mga ito.

" Hello din po. Magandang araw po sa iyo." the kids answered in unison.

" Bilang pasasalamat sa ating mga bisita ano ang dapat nating gawin?" masayang aniya ni Issa.

Hindi na sumagot ang mga ito pero iniwan sa mismong mga upuan nila ang kani kanilang laruan at nagform ng line sa harapan.

BAWAL NA PAG IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon