ANG BAWAL NA PAG IBIG

4.9K 93 1
                                    

" ANG BAWAL NA PAG IBIG "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 4

" Ikaw pala Allan Jay pasok ka." aniya ni Issa ng mapagsinu kung sino ang panauhin niya ng gabing iyun.

Niluwagan niya ang pagbukas sa kanilang pintuan para mapagbigyang daan ang binata. Pumasok naman ito at dumiretso sa munting sala nila.

" Salamat Clarissa. Bulaklak pala para sa iyo." aniya nito ng makalapit siya dahil nahuli siya kunti dahil isinara pa niya ang pintuan.

" Nag abala ka pa Allan Jay pero maraming salamat pala sa bulaklak. Maupo ka pala." tugon ng dalaga at bahagyang sinamyo ang bango ng roses at nauna ng umupo.

" Okey lang iyun Clarissa basta para sa iyo. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya dahil naabala pa yata kita." sagot naman ng binata.

" Ah wala iyun Allan Jay. Siya nga pala ano pala ang maipaglilingkod ko sa iyo at napasugod ka dito sa amin?" tanong ng dalaga kahit may hinala na siyang aakyat ito ng ligaw.

Lumapit ito ng bahagya sa kanya at hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

" Allan Jay?" sambit ng dalaga at bahagyang itinaas ang paningin para makita itong titig na titig sa kanya kaya't siya na rin ang nag iwas ng paningin.

" Huwag ka sanang magalit Clarissa pero ang totoo niyan eh gusto sana kitang ligawan. Mahal kita Clarissa iyan ang dahilan kaya ako nandito para umakyat ng ligaw." aniya nito.

" Bakit ako Allan Jay? Anak lang ako ng katulong ninyo. Marami namang mga anak mayaman diyan na kagaya ninyo. Hindi ka ba nahihiya na tiksuin, kutyain, pagtawanan ka ng mga anak mayaman ding mga kakilala at kaibigan mo kapag malaman nila na nililigawan mo ay ang anak ng katulong ninyo?" pang aarok ng dalaga dito.

Kilala sa buong San Vicente ang mga Crisostomo. Isa ang mga ito sa pinakamayaman sa buong bayan at may ari sa ilang establishment sa siyudad ng Vigan. Pero kung may kapintasan man ang kanilang pamilya ay ito ang bali balitang pag aari ng mga ito ang pasugalan sa kanilang lugar kahit wala mang maglakas loob para magsumbong sa authority dahil hawak naman ng mga ito sa leeg ang hepe ng pulisya sa bayan ng San Vicente. At isa na sa mga ebidensiya na pag aari ng mga ito ang naturang pasugalan ay ang anak ng mga ito. Halos doon na ito matulog.

" Wala akong pakialam sa kanila Clarissa. Ang isyo dito ay ikaw at ako. Mahal kita iyan ang totoo Clarissa. At gusto ko rin palang kausapin sana si Aling Teresita para makahingi ako ng paumanhin sa kanya dahil sa nagawa kung pagsagot sa kanya kaninang umaga." parang maamong tupa na aniya ng binata.

" Sandali lang Allan Jay ikukuha lang kita ng maiinum mo pero pasensiya ka na ka kung tubig at juice lang ang maihahain ko sa iyo." aniya ng dalaga.

" Walang problema doon Clarissa." pakunsuwelo naman ng binata na kahit sa isip ay galing din naman sa mga magulang niya ang ipinambili ng mga ito sa ihahain ng babaing napupusuan niya.

Iniwan ni Clarissa ang panauhin sa kanilang sala at nagtungo sa kanilang kusina para gumawa ng juice. Gumawa siya ng tig isa silang baso ng juice at tig isang baso ng tubig at hindi nagtagal ay bumalik siya sa kanilang sala.

" Salamat Clarissa. Ang sarap mo namang gumawa ng juice siguro ang sarap mo ding magmahal." papuri ng binata pero ngiti lang ang isinagot dito ni Issa. Bagkos ibinalik niya ang kanilang usapan bago siya nagtungo sa kanilang kusina.

" Ang tungkol kay nanay siya ang mismong kausapin mo araw araw naman siyang nasa inyo para maglaba at maglinis doon mo siya kausapin. At tungkol sa pagmamahal na sinasabi mo ay ayaw kitang paasahin dahil marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kung tuparin at isa na diyan ang maiangat sa buhay ang mga magulang ko kaya pasensiya ka na kung hindi ko matutugunan ang pag ibig na ihinahayag mo." magalang na aniya ng dalaga.

BAWAL NA PAG IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon