ANG BAWAL NA PAG IBIG

5.8K 97 7
                                    

" ANG BAWAL NA PAG IBIG "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 3

" Miss saan po ang punta ninyo?" tanong ng isang taxi driver kay Jasmine ng makalabas niya sa paliparan ng Baguio City.

" Puwedi po bang pakihatid ako sa Camp John Hay kuya?" tugon ng dalaga.

" Oo naman miss gusto ko ang kumita ng pera, at gusto mo naman ang serbisyo kaya walang problema. May bagahi ba kayo?" sagot ng driver

" Ito lang po kuya." tugon ng dalaga at ipinasok ng driver ang katamtamang maleta sa compartment saka pinagbuksan ang pasahero.

Ilang minuto din ang nakalipas ng makuhang nagtanong ng dalaga sa driver.

" Kuya puwedi po bang magtanong?" lakas loob niyang tanong dito.

" Oo naman ma'am. Ano po iyon?" tugon nito pero ang mga mata ay sa daan nakatutok.

" Kilala ni'yo po ba ang family Mckevin?" sagot niya.

" Oo naman ma'am isa sa mga sikat na tao iyan dito sa Baguio. Ang taong sinu sa kanilang lahat o sa mga Mckevin ang hanap mo?" tugon nito.

" Adrian Joseph Mckevin po kuya." sagot ng dalagang banyaga.

" Oo naman ma'am isa sa mga apo ni sir Bryan. Mababait ang mga iyun ma'am." aniya ng driver.

" Gano'n po ba kuya? Sige salamat pala." tugon ni Jasmine at hindi na muling kumibo.

Ilang sandali pa matapos ang ilang minuto na biyahe , itinigil na ng driver ang sasakyan sa harap ng Camp John Hay.

Hindi na hinintay ni Jasmine na pagbuksan siya ng driver. Kusa na siyang lumabas at hinintay ang maleta na ibinaba nito.

" Maraming salamat kuya. Ito na po pamasahe ko. Keep the change na lang po." aniya nga dalaga at hindi na hinintay pa na sumagot ito bagkos ay hinila nag maleta at nagtungo sa mga receptionist.

" Good evening ma'am. How can we help you?" magalang na tanong ng isa sa mga receptionist.

" Good evening too miss. Can I have one room for me please?" aniya niya dito.

" Sure ma'am. Name please?" sagot ng receptionist.

" Jasmine Howard." tugon ng dalaga.

Agad namang nagtype sa computer ang receptionist at ilang sandali ay nakangiti na itong tumingin sa dalaga.

" Welcome to Camp John Hay ma'am. Here's your access card for room 203. Just call the management if you need something." aniya nito.

" Thank you miss. Anyway can you call someone for to help to get in? I mean a boy who can carry my luggage please?" pakiusap ng dalaga.

" At your service ma'am." tugon naman ng isa at tinawag ang isa mga boy para ihatid ito sa room ng dalaga.

Sa kabilang banda, tahimik na ang buong paligid dahil tulog na ang mga kasambahay nila at ang mga magulang nila ay nagpapahinga na rin.

" Anak bakit hindi ka pa natutulog? Di ba maaga pa kayo bukas?" tinig na nagmumula sa likuran ng binata.

Lumingon ang binata sa pinagmulan ng tinig at nalingunan niya ang kanyang ama.

" Ikaw din papa bakit gising ka pa?" balik tanong ng binata.

" Anak naman tinatanong kita sagutin mo ba naman ako ng tanong din?" aniya ni MJ.

" Hindi ako makatulog papa. Want some drinks?" sagot ng binata.

" Baka naman mapagalitan tayo ng mama mo dito. Anong mayroon anak?" sagot ni MJ at inabot ang kopita na may lamang wine.

BAWAL NA PAG IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon