Chapter 8

65 1 0
                                    

Ayala Siblings

BOOK 1 presents..

MISS HEARTLESS

written by: Purple_Raindrops

Chapter Eight

-- from now on, pov na lang po eto ni Marion. Sarreh. :)

Napataas ako nang kilay sa reaksyon ni Mark Villafuerte. Tila tuwang tuwa pa siya sa nangyayari. Feeling ko, pinagkaisahan nila ako and i hate it.

" You all planned this? " bintang na tanong ko sa kanya.

Umiling siya na natatawa pa rin. " Ofcourse, not. Malay ko bang magkakilala kayo. "

" Hindi nga kami magkakilala. " i grinned. Yung lalaking ayaw ko ng makita, makakasama ko pa sa shoot. Great! Sa lahat pa talaga ng tao. Bakit siya pa? Darn.

" Chill, Marnie. Ano ba meron at mukhang hindi nyo gusto ang isa't isa? " inirapan ko siya. Talagang di ko siya gusto.

Napasulyap ako sa lalaki na yun na tahimik lang. Bakas sa mukha nya ang pagdisgusto sa akin. As if naman na gusto ko din syang makasama. Makita ko pa lang siya, naiirita na 'ko. What else na makakasama ko pa siya.

" He puke at me last time i went in the bar. Shocks! Anong gusto mo, Mark? Matuwa pa ako nun? So disgusting! " inis kong sumbong sa kanya. Sana naman paalisin nya 'tong kumag na 'to! At maghanap na lang ng ibang modelo.. Yung may breeding, may class at.. whatever! Basta hindi ko siya gusto makasama at makatrabaho.

" Mark, hindi ko naman sinasadya yun. Lasing ako nun at sana naman kung ano man ang nangyari NOON, eh kalimutan na lang niya at wag ng isama sa trabaho na 'to ang galit nya sa akin. Isa pa, nakaganti na rin naman siya akin nung nagwalk out siya sa unang photoshoot sana namin. " agad nyang sabat. Tinaasan ko siya ng kilay. I rolled my eyes. Don't tell me papakinggan eto ni Mark. No way!

" No, Mark. I want him out of this project. Do this as my favor, please. Maghanap ka na lang ng ibang modelo, wag lang siya. " darn! Nakakainis! I can't see go near at him and take shoot together with him. Darn.

" Marnie, you know me. Separate ang trabaho sa anumang di nyo pag-uunawaang dalawa. So, i have to go. Pumunta na kayo sa set para matapos na 'tong shoot. 'kay? " ngumisi si Mark sa akin saka nilagpasan ako. Shit.

Yung lalaki naman ay humalukipkip lang sa harap ko. Inirapan ko siya saka sinundan si Mark. " Mark, please? Paalisin mo na yan dito or else.. "

" Or else what? What, Marion Stephanie Ayala? Ire-reject mo 'to? Akala mo ba matatakot mo ako sa pagtataray mo? No, honey. Ako ang boss dito kaya ako ang masusunod. Bakit natatakot ka ba sa kanya? " hinawakan nya ang baba ko at kumindat sa akin. Fvck! I feels butterflies in my stomach.

" Ofcourse, not! Why should I? Dapat siya ang matakot sa akin! " pagmamayabang kong sabi kay Mark.

" Haha! Then prove it. Kilala ko si Dylan. Wala din yung inuurungan. Isa pa, matinik sa chicks yun. " whatever!

" Okay, i try. " mapapasubo pa ako. At ngayon lang ako napapayag na hindi masunod ang gusto ko. Darn! Darn! Gusto kong sumigaw sa mura sa pagkainis ko. Ako ang dapat sinusunod pero dahil kay Mark, magbabago pa yata yun. Ginugulo nya pa rin ang sistema ko tulad nung dati. Fifteen years ago. I was too young that time pero alam ko, may iba na 'kong nararamdaman sa kanya.

" Okay, good. Smile na! Shoot lang 'to then tapos na.. " aniya. Pilit akong ngumiti kahit naiinis na talaga ako. Okay na sana kung hindi lang dahil sa makakasama kong model na sinukahan ako nung nasa bar kami dati ni Sean. He didn't even say sorry for what happen. Yung kasama lang nya. Akalain nyo ba yun tapos sasabihin nya wag kong idamay yun sa trabaho. The nerve! Hindi naman siya ang nasukahan eh. Ako! Nakakadiri! Ginawa akong sukahan. Damn!

Iminuwestra ng photographer ang posisyon na dapat naming gawin ng lalaki na yun. Nakatopless daw eto at ako naman ay naka-bikini na may telang tali sa bewang since nasa beach kami. Jeez. Pinagsisihan ko na yun pa ang sinuggest ko.

Nung okay na ako at handa na para sa pictorial. Lumapit si Mark sa akin. " Goodluck, Marnie. Ang hot mo! " simpleng puri yun na palagi kong natatanggap pero ngayong siya ang nagsabi. Tila namula ako.

" Thanks. " tipid kong sagot. Napasinghap ako nung pinisil nya ng mahina ang pisngi ko.

" Andyan na si Dylan. " nilingon ko naman kung saang direksyon siya nakatingin. Nakita ko ang lalaking sumuka sa akin na tinatawag nyang Dylan. Nakangiti etong naglalakad sa direksyon namin. Sanay na ako sa mga lalaking topless kaya hindi inosente ang mata ko sa mga ganito. He has a perfect abs. A firm muscles. Mukhang alaga sa gym ang kumag. Well..

" Oh, ready na, Marion. Dylan, lumapit ka na kay Marion. " sigaw ng photographer. Nakita kong lumayo si Mark sa amin. Hindi matanggal ang ngisi nya.

Ang siste, may hawak akong bote ng alak na tila inaabot yun sa lalaki na yun. And hinahawakan nya ako sa bewang. Actually, intimate position yun dahil halos magkalapit na ang mga katawan namin.. and GOSH! Pati mukha. Kulang na lang, maghalikan kami. Shit.

" Dylan, masyado kang stiff. Marion, you made this many times bakit ngayon tila wala kang kabuhay buhay. " paano naman ako gaganahan kung ganito ang kapareha ko.

Ilang beses kami nagtake. Ilang beses nagbreak. Pero wala! Sablay talaga. Hindi ma-perfect ang kuha na gusto ng photograpper. Paulit ulit hanggang nainis na ang photographer at nag-walk out eto. Nagdiwang ako. Sana naman, palitan na ni Mark 'tong Dylan na 'to. Wala kaming chemistry.

" Marion, what happen? Bakit ganun ang mga kuha nyo ni Dylan? Hindi naman ganyan ang mga kuha mo sa mga recent shoot mo na nakita ko. "

" Mark, you see? Wala kaming chemistry. Palitan mo na lang siya. Napaka-stiff nya. "

" Stop it, Marion. Sinasadya mo lang eto. " mahinahon nyang sambit. I smirk.

" Pagbigyan mo na kasi ako. "

" No. Siya ang gusto ko at ikaw. Gawin mo na lang 'to para sa akin. Sa pinagsamahan natin before. Please? " naging mapungay ang mga mata nya habang unti unti nyang itinataas ang kamay ko papunta sa pisngi nya. Bakit ganun? Para akong natutunaw sa ginagawa niya. Bakit pagdating sa kanya, tila nauupos akong kandila? Nanlalambot ako. " Kung naiilang ka sa kanya, i can give you time. Pwede kayo magbonding sa pribadong isla. Para mas maganda ang kuha kapag natural. "

" WHAT?! No way! "

itutuloy..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss HeartlessWhere stories live. Discover now