Part Twelve: Dreams

Start from the beginning
                                    

                “Alam mo, mother dear, mukhang tama ka nga, eh. Hayaan mo, kakausapin ko si Tito Ben.”

                “Very Good, Anak!” siyang siya ito. Tinapik tapik pa ang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. She appreciatively returned her smile.

                “Arliza, kausapn mo na rin si Neil, ha!”

                Naging tabingi ang ngiti niya. “Ah, okay po!”

YAKAP-YAKAP siya ng mahigpit ni Neil sa baywang habang sumasayaw sila sa saliw ng pumapailanlang na kanta. It was ‘Someone like you’ by Adele.

                Dim light ang paligid giving her a romantic feeling. Idagdag pa ang mga Rose petals na sumasaboy sa kanila na kasabay ng mga bubbles.

                Hindi niya maiwasang kiligin. Mahal na mahal niya ang lalaki na ito.

                Napalis ang ngiti na nakapaskil sa kaniyang mala-rosas na labi ng sa likuran ni Neil ay lumitaw ang pigura ni Julie kalong ang mala-anghel na sanggol.

                The baby’s wailing like an ambulance’s siren, the sound of it making her head want to explode in ache. Bumitaw siya sa kapit ng kasayaw, automatically backing away a few feet from them. Naiwan si Neil na napapagitnaan nilang tatlo.

                “Sumama ka na sa amin…” Julie bellowed in a hair rising voice towards Neil.

                Naluluhang napailing siya ng ibaling ng lalaki ang tingin sa kaniya.

                “Ayoko!” mariing tanggi ng lalaki. Sa likuran nito’y napatili ang babae. Isang malakas na tili na sinabayan ng pagpalahaw ng sanggol. Halos mawasak ang eardrums niya sa sakit.

                Tinakpan niya ang tenga subalit nanunuot pa rin ang tunog sa kaniyang utak, making her sob…

“ATE… ate… gising, ate!”

                Napabalikwas siya ng bangon. Saka bumalik sa kaniyang gunita ang pagkaka-idlip sa sofa.

                “Problema? Binabangungot ka?” ani Rica, day off nito noon.

                Tinanguan niya lang ito’t tinaboy na. Nais niyang makapag-isa. Palagay niya’y sinasadya ng utak niyang mag-formulate ng mga ganoong panaginip ng sa ganoon ay matauhan na siya na mali ang ginagawa niyang paglalayo kay Neil sa pamilya nito… sa babae na nangangailangan dito.

                “Neil, we need to talk! May sasabihin ako sa’yo,” hindi na siya nakatiis. Tinawagan na niya ang nobyo.

                “Seryoso natin, love ah. Nanood ka na naman ng drama, ano?”

                Napalabi siya, ‘Kung alam mo lang kung ano ang pag-uusapan natin. Makapag-biro ka pa kaya?’

                “Sa labas na tayo mag-usap, ah.” Sa halip ay aniya.

                “Tsk, seryoso talaga. Sige, sunduin na lang kita diyan after work. Bye, love you!”

                “I-I love you, too!” may bikig sa lalamunan na tugon niya.

ALAS-SAIS ay bihis na bihis na siya. Ready to go na talaga. She’s wearing a white collared blouse with sleeves at white plaid skirt na tenernuhan niya ng white silver Esparadilles. Para siyang aatend ng lamay… sarili niyang lamay. Kung tutuusin ay angkop nga, sapagkat ng mga sandaling iyon pakiramdam niya’y ibuburol ang puso niya. Isang senyales ng pagluluksa.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Where stories live. Discover now