Part Twelve: Dreams

5.4K 41 13
                                    

PART Twelve: Dreams

HER mother looked at her knowingly when she entered the kitchen. “Akala ko’y tinigilan mo na pag-inom ng kape sa gabi. Pero bakit heto’t nangangalo mata ka na naman?”

                Napailing siya sa sarili. This must be what they call mother’s instinct. “Ma, hindi na ako nag-kakape sa gabi, okay!” she take off her eye glasses, pinching the bridge of her nose.

                Not being able to sleep since her wake up after that dream is making her head pound. Midgets must have been hammering her brain out of her skull.

                Inilapag nito sa harap niya ang kaniyang kidney basin mula sa ref na noon ay pinuno na nito ng yelo’t isang platitong may teabags. She had read before that those would help lessen the swelling of bags after crying. “Lagay mo ‘yan sa eye bags mo para di mahalata ang pamamaga,” umupo ito sa tabi niya.

                “So, anong problema?”

                She contemplated a little before uttering what had been bothering her since yesterday.  “Echosa kasi yung Julie na iyon, Ma, eh…”

                “Oh, bakit naging echosa?”

                Inilahad niya rito ang mga nangyari ng nagdaang araw na umalis siya. Ni hindi nga pala nito alam na ang nilakad niya’y ang pagsama kay Baby Warren sa clinic.

                “Pambihira kang bata ka, oo! Bakit mo naman ginanoon ang tao? Nakikiusap naman pala, eh.” Anito matapos niyang mag-salaysay. “Ang mabuti pa tanggapin mo na ‘yang alok ng Tito Ben mong magtrabaho doon sa center sa Bulacan.”

                Nasapo niya ang noo.  Bigla’y tila ang bigat ng pakiramdam niya. She needs ample dose of Aspirin to lessen the pain and she need to get a hold of herself before they force her to take Prozac again. When her parents separated she suffered from Depression but she need not to take mood altering medication then, she’s controllable. However, when news of her fathers’ death reaches the family 6 years ago, she’d broken down once again that her psychiatrist prescribed Prozac.

                “I don’t know, mother. Ang layo naman kasi masyado. Isa pa Public Health Nursing is not my forte,” since then, ang hilig niya na’y Psyche. Marahil dala na rin ng naging Psychological incapacity niya noon.

                “Anak, noong una sinabi ko sa sarili kong hindi ako makikialam kasi nakikita ko namang masaya ka kapag kasama mo si Neil. Kaya lang, anak, parang ngayon ay kailangan mo munang dumistansya. Para kasing naka-depende ka na sa kaniya, ang kaligayahan mo… ang buhay mo. Tignan mo, after passing the Board Exam hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naasikaso ang career mo. Hindi naman sa pinipilit na kitang mag-trabaho, ah. I was just saying this for your own sake. Pangalawa’y maling agawin mo ang bata sa tunay nitong ina. Sa tingin mo ba, anong madarama ko kapag nawala’y ang isa sa inyong magkakapatid sa piling ko?”

                Natameme siya sa mahabang litanya-slash-sermon nito. May punto at marahil nga’y tama ito.

                Sa ngayon ay kailangan niyang magpakalayo-layo. Sabi nga sa isang sikat na sabi-sabi. Hayaan mong lumipad ang kalapati, kung para kayo sa isa’t isa babalik at babalik siya.

                Kung para nga sila ni Neil sa isa’t isa ay gagawa’t gagawa ang tadhana ng paraan upang muli silang magkasama.

                Maybe she doesn’t need to move on this time, she simply has to wait.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Where stories live. Discover now