Part Ten: The face off and Sweet teddy bears

5.8K 38 11
                                    

DEDICATION: Yes, ikaw! Hehe, salamat sa wagas na pag-comment at pag-vote... Maraming maraming maraming salamat, yay! So, I dedicate this to you <ayan ah, hindi ka bitin, hehe!> xoxo!

PART 10: The face off and Sweet teddy bears

NAKA walong katok siyang malalakas bago binuksan ng kung sino man ang nasa loob ng bahay ang kulay ubeng pinto. Nasa tapat lang naman siya ng bahay ng babaeng dating asawa ng nobyo.

                It was 6 o’clock in the morning when she received a call from Neil asking for a favor. Kailangan niyang sunduin si Baby Warren at samahan ito sa clinic para sa scheduled vaccination nito. Si Julie ay nag-over time sa call center kung saan ito nagtatrabaho—night shift kasi ito. Si Neil ay may importanteng aasikasuhin sa trabaho nito’t hindi maaring lumiban. There’s no other choice left but to contact her—the current girlfriend.

                ‘Ginawa pa akong yaya ng mga iyon… Naku naman!’ Mabuti na nga lang at wala siyang gagawin ng araw na iyon kung hindi tumambay at maghapong humarap sa computer kaya napapayag din siya ng nobyo matapos ng mahabang pakiusapan at kulitan.

                Isa pang muling malakas na katok ang ginawa niya bago iyon tuluyang bumukas. Bumungad sa kaniya ang mala-anghel na mukha ng isang batang babae na gusot gusot pa ang buhok. Ang mga mata nito’y halatang kagagaling lamang sa tulog.

                She automatically smiled at the girl. She must be Julie’s niece na siyang sinasabi ni Neil na naroon ng mga sandaling iyon kasama ang mama nito. “Hello, little girl, good morning! Where’s you’re mommy?” magiliw niyang bati rito.

                The child pouted. Obviously ay bad trip ang first impression nito sa kaniya since mukhang naistorbo niya ang tulog nito.

                Napataas ang kilay niya, breathing in and out slower than usual to calm her self—the last thing she need right now was to lose her patience. Medyo badtrip nga rin siya sa nobyo tapos lalo pang masisira ang araw niya, although she doesn’t mind spending some time with the cute baby.

                “Hindi ko alam… paggising ko wala na siya!” pabalang na anito, her bottom lip sticking out. Hindi niya alam, pero ang mga bata ngayon ay mas matigas pa ang mga ulo kaysa noong panahon niya. She’s not that old enough pero dama niya iyon. ‘Daig pa si Sister Valentina!’

                “SI baby Warren? Kukunin ko na siya, baka maabutan pa kami ng mahabang pila sa Center, eh…”

                “Sino ka ba?” pumasok ito sa loob ng bahay. Sumnod siya rito ng hindi na humihingi ng permiso.

                “Ahm, gir—kaibigan ako ni Neil. Nasa kwarto ba si Warren?” inginuso nito ang nakabukas na pinto. Natanaw niya ang himbing na si Warren sa crib nito.

                Napaikot ang eyeballs niya. Makakarir ng bongga ang pagiging yaya niya.

“BABY, h’wag na iyak ‘yan… shhh…” alo niya sa umiiyak na si Warren matapos nito maturukan ng HEPA B vaccine.

                Nginitian siya ng nurse na nag-assists sa kanila. “Babalik siya after 4 weeks, misis, h’wag niyo po kakalimutan.”

                “Yeah, I know that. And I’m not his mother, miss pa po ako,” sinuklian niya ng ngiti ang pagkunot ng noo nito.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Where stories live. Discover now