Part Nine 2: DNA

6K 44 31
                                    

PREVIOUSLY:

Matapos ang exam ni Arliza ay dumating ang result ng test... sa wakas malalaman na nila ang resulta ng DNA test! Positive ba ito o hindi? 

PART 9: DNA (Part two)

BUMABA sila ng taxi sa isang lugar sa Tagaytay kung saan over looking ang taal lake. It was not the first time she saw the little volcano up close but this time was different. There were butterflies in her stomach as she walks hand in hand with the man she never had imagine would belong to her heart.

                Before him in her life there had been many ups and downs—heartaches she had survived, with him siguro’y hindi niya kakayanin kung mawawala nalamang itong bigla.

                Naglakad sila papunta sa isang open resto ng may mamataan siyang malaking teady bear sa isang toy shop. It was a big white furry adorable stuff toy and she loves it.

                “Anong tinitignan mo?” pati ito’y napatigil sa paglalakad. Sinundan nito ang tingin niya.

                “Ang cute, diba?”

                “Gusto mo?”

                “Hah?”

                “Tinatanong ko kung gusto mo?”

                “Bibilhin mo?” she asked in bewilderment, teasing.

                “Oo naman, anything to make you happy!” nakangiting anitong nagpatiuna na sa pagtungo sa shop.

                “Good morning sir and ma’am, welcome to love’s stuff!” magalang na bati ng magandang sales lady. She was wearing an off shoulder white blouse paired with a pink maong skinny jeans. So, she’s not just gorgeous she’s also sexy. She eyed Neil beside her, napataas ang kilay niya sa inis ng makitang nakipagtitigan ang nobyo sa sales lady.

                Err… umaandar ang pagiging selosa niya. Bakit naman kasi nauso pa ang salitang insecure?

                “Gusto nitong girlfriend ko yung white na teddy bear doon sa display shelf,” matamis nitong nginitian ang babae. She softly snorted na ikinalingon nito sa kanya. Binigyan siya nito ng nagtatanong na titig.

                “What did I do wrong?” he mouthed. Hindi niya ito pinansin, nagpatiuna na siyang naglakad sa case kung saan naka-display ang cute na stuff toy.

                “Ah, kasi sir naka-reserve na ho ang bear na iyan. Kung gusto ninyo po may iba pa kaming available display dito…” alanganing ani sales lady, her voice trailing off.

                “No! ito ang gusto ko! Wala na bang ibang stock?” she stubbornly asked.

                Umiling ang babae. “Sorry po ma’am,” sa tabi niya’y napabuntong hininga si Neil.

                “Love, iba na lang ang piliin mo,” alo nito.

                “Sige ‘wag nalang,” nakalabing aniya matapos ay hinila na ang nobyo palabas ng shop.

                “Ah, sandali ma’am…” hinabol sila ng sales lady sa labas ng shop. “May delivery ho ulit kami nung stuff toy na iyon sa susunod na linggo, pwede po kayong magpa-reserve kung gusto ninyo.” She enthusiastically announced to them.

                “No need! Nagbago na ang isip ko,” she nonchalantly retorted, still pouting.

                “Ganoon ho ba…” bagsak ang balikat na pumasok sa shop ang sales lady. Sa isip marahil nito’y sayang ang benta.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon