"Eliza?"

"Oh! Jaze!" Umatras siya ng kaunti at saka ako lumabas. Sinara ko yung pinto bago siya hinarap.

"What are you doing here?" nagtataka kong tanong.

"Uhh..Well, itatanong ko sana kung pupunta ka ba sa burol ni—"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya, umiling nalang ako saka sumagot.

"No. Hindi ako pupunta."

"W-why?"

"Sa tingin mo ba makakaya ko?" napatahimik siya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"H-ha? Pero lahat sila pupunta pati nga si Ace e." nakuha ng atensyon ko ng banggitin niya ang pangalan ni Ace.

"Talaga? Kamusta na pala 'yun?"

"Sino? Si Ace? Ayun.." napabuntong hininga siya at napahawak sa noo niya. Hindi ko maiwasang mangiti. Siya parin yung Eliza na naging fiance ko noon. Cute pero masama lang talaga magalit.

"Ayun...nakawheelchair siyang pupunta dun sa burol. Medyo ayos na rin siya but still may mga sugat parin siyang hindi gumagaling. Ilang araw palang simula nung matapos yung trahedyang nangyari sa inyo pero medyo mabilis din naman ang recovery niya kahit papa'no. I..I think."

Napatango nalang ako. Nakarating narin kami sa parking lot at nagpaalam narin si Eliza sa'kin.

"I need to go. Aalis na ako. Pupunta kasi ako sa burol niya e. Sure ka bang hindi ka pupunta?" ulit niyang tanong sa'kin.

Umiling lang ako ulit at ngumiti ng tipid. "Yeah. Hindi na."

Nginitian lang ako ni Eliza saka tumango. "Okay then. Bye, Jaze."

"Bye." sagot ko. Sumakay na siya sa kotse niya. Nakita kong kumaway pa siya sa'kin bago umalis. Tinaas ko nalang ang kamay ko as an answer.

Pinuntahan ko narin ang kotse ko saka sumakay doon. Nagdrive narin ako kung saan dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta. Napansin ko na 2pm narin pala ng hapon. Ano bang pwedeng gawin sa buong araw?

"Sure kang hindi ka pupunta?"

"Pinapatanong nung girlfriend ni Charles na si Tin kung pupunta ka pa ba sa burol niya."

Napakagat-labi ako. Pupunta pa ba ako? Kaya ko ba?

Napabuntong-hininga nalang ako saka nagdrive papunta sa pinakamalapit na flower shop.

Nakarating din naman agad ako du'n kaya agad narin akong bumaba at pumasok sa flower shop.

"Oh my gosh! K-Kiefer Jaze Montecruz?" narinig kong bulong nung babae ng pumasok ako sa loob. Nginitian ko lang siya.

"Myghad. Ang gwapo pala talaga niya sa personal!"

"Ano kayang ginagawa ng isang artistang katulad niya dito?"

Tumikhim ako at agad din naman akong tinanong kung anong bulaklak ang bibilhin ko.

"Bouquet of White Roses please."

Agad din naman nilang inasikaso ang gusto ko at ilang minuto lang naman ang tinagal ko dun. Nakuha ko narin yung Bouquet at sumakay narin agad ako sa kotse. Inilagay ko sa passenger seat ang bulaklak na binili ko.

Pinagmasdan ko lang ito saka napangiti.

"Beautiful.."

Nagdrive ako papunta sa lugar na yun. Medyo matagal bago ako nakarating dahil medyo malayo 'yon. Nang makarating ako ay kinuha ko narin yung mga bulaklak at agad akong pumunta sa loob.

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now