Chapter 38 -No-

10.6K 355 24
                                    

-Third Person's Pov-

"Doc! Doc! Emergency! Emergency!"

"Jusko..Anong nangyari kay Sapphire?!"

"Bessieeee!! Wag kang bibitaw! Please!"

Mga hikbi at iyak ang naririnig habang mabilis na dinadala ang pasyente sa ER. Halos maging kulay pula na ang uniform na suot-suot ni Sapphire dahil sa dugong umaagos mula sa kanyang ulo.

Walang malay na ginagamot ang kanyang mga sugat lalong lalo na ang kanyang ulo.

Nagtagal ito hanggang sa lumabas ang doktor na may hindi magandang ekspresyon.

-Tintin's pov-

Mugtong mugto na ang mga mata ko dahil sa sitwasyon ngayon ni Bes. Hindi ko expect na may pwede palang gumawa nun sa kanya.

Ilang minuto din kaming naghintay ng lumabas ang doktor. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at nanlamig ang aking kamay ng makita ko ang hindi magandang ekspresyon ng doktor. 'Wala naman sanang nangyaring masama'

"K-kamusta po ang anak ko?" nanginginig na sabi ni Tita Ruby,yung mom ni Bes. Nangingiligid ang kanyang luha at humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

"Hindi maganda ang lagay ng pasyente. Maraming dugo ang nawala sa kanya,buti na lang ay marami kaming reserbang dugo na katype nya." sabi ng doktor.

Nakahinga kami ng maluwag ng malaman iyon pero....

"Paano pong hindi maganda ang lagay niya?" kinakabahan kong tanong. Naramdaman ko na bumalik yung tensyon at kaba na naramdaman namin kani-kanina lang.

Napatingin sa akin ang doktor at ngumiti ng mapait. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.

Mula sa mga sunod na sinabi ng doctor. Hindi ako makapaniwala. Ayaw mag sink in sa akin ang lahat.

tuluyan ng bumagsak ang luha ni Tita samantalang natulala na lang ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Y-yung bestfriend ko....S-si Sapphire..

Hindi ko na rin namalayan na lumuluha na naman ako. Nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig habang nakatulala. Ang sakit. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang narinig ko. Daig ko pa ang hiniwalayan ng boyfriend sa sobrang tindi ng sakit na nararamdaman ko. Hindi.Hindi.

Humagulgol lang ako para naman mawala kahit konti yung sakit.Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana nga.

Kahit nanghihina ako ay pumasok ako sa kwarto kung saan nakahiga ang bestfriend ko.Muling tumulo ang luha ko ng makita ko siyang nakahiga habang maraming nakakabit sa kanyang kung ano-ano.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko ang kabuuan niyang itsura. Nadako ang tingin ko sa ulo niyang nakabalot ng benda. Sinong pwedeng gumawa niyan sayo, Bessie?

"H-hala ka, bes. G-gising na! Madami kang mami-miss na lessons n-nyan! S-sige ka! Uy! Ano ba!"

Para akong tanga dito. Kinakausap ko ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit saka nanatiling tahimik ng ganun ang pwesto.

Napalingon ako sa pinto ng magbukas iyon. Pumasok na si Tita. Nginitian ko siya. Mga ngiting may kasamang lungkot.Namumugto rin ang mga mata niya. Halatang galing sa iyak.

Tinignan ko ulit si bes habang nakahiga sa hospital bed. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila.

Calling Cupcake...

-Charles Pov-

"Okay! Nice one! Well done Five Flames!" bati sa amin ni Manager.

Tumango at ngumiti naman kaming lahat sa kanya. I saw Jaze walking back and forth.

"Hey! Bro! Balisa ka ata?" I heard Renz. Napatingin naman sa amin si Jaze at umiling.

"Nah. I'm being paranoid. Don't mind me" walang gana nyang sabi. Napatingin silang lahat sa akin. Someone's calling.

CT.

"Hello?"

"C-cupcake....H-help" bigla akong kinabahan.

"W-what?! W-what happened?! Where are you?!"

Sa mga sunod niyang sabi. Napatingin ako sa mga kasama ko.

"Guys, Hospital" sa mga salitang iyon. Agad umalis si Jaze at nagmamadali. This guy has an extraordinary instincts when it comes to Sapphire.

-Kiefer's Pov-

"Hello?"

"W-what?! W-what happened?! Where are you?!" bigla akong napaseryoso dahil sa reaction ni Charles.

The time he said the word hospital. Agad akong umalis. My heartbeat increased its pace. Kanina pa ako kinakabahan. I don't know why. I don't want to think negative things but she is the first person I thought.

I tracked Sapphire's phone through GPS. Mas lalo akong kinabahan nang dalhin ako nito sa isang ospital.

I ran as fast as I could. Nagbakasakali ako na andito si Sap kaya tinanong ko kung andito siya at ano ang room number niya. Nagulat pa yung nurse na pinagtanungan ko nang makita at mamukhaan ako
Napapalingon din ang mga tao sa akin. I ignored them.

"Room 304, Sir" agad-agad akong tinungo ang room number niya. Mas kinabahan talaga ako ng malaman kong nandito siya. Please. Nothing happened to her right? Oh gad.

"Sapphire!" agad kong sabi ng buksan ko ang pinto. I saw her mother and Charles' girlfriend.

I saw her sleeping on the hospital bed with many tubes attached to her body. Naririnig ko sa machine ang tibok ng puso nito. One tear fell from my eyes.

"Bro!"

"Jaze!"

"What the?! Sap!"

"What happened?!"

Dumating bigla ang five flames. Pati sila hindi maintindihan ang expression nilang lahat.

Tinignan ko ulit siya at ang kaibigan niyang babae na ngayon ay umiiyak sa dibdib ni Charles.

"M-may bumugbog sa kanya sa school. Malakas ang tama niya sa u-ulo. S-she's in the state of..
c-comatose."

Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko iyon. Isang suntok ang pinakawalan ko. Nilapitan ko siya.

Nagulat kaming lahat nang biglang isang matinis na tunog ang narinig namin ang lahat na nagmumula sa monitor.

We saw the line. . . went straight.

Oh please. No..
If I am dreaming right now, please someone wake me up.

__________________

Sorry kung ngayon lang ang UD. Busy po eh. This chapter has been divided into two parts. Please wait for it!

Thank you :)

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now