Chapter 37.2 -Antagonists-

12.8K 367 27
                                    

-Sapphire's Pov-
-School-

Monday comes. Eto na naman! May pasok na naman! and as usual kapag monday, wala ang Five Flames. Kaya eto kami ngayon ni Tin nakatambay sa puno.

"Bessie~ Penge ngaaaa" -Tin sabay dampot ng maraming Pic-A na kinakain ko ngayon.

"Uy~ Ako rin~" sabi ko sabay dampot ng maraming Chippy na kinakain nya.

Vacant namin ng isa't kalahating oras kaya eto,kumakain. Bakit ang boring ng araw ko ngayon?

"Lungkot mo ata?" napansin pala ni Tin na lukot lukot ang aking face. Umiling lang ako.

"Asus. Wala lang naman SYA eh! Lungkot mo na! Duh~ may alas ka pa!" sabi ni Tin sabay subo ng snack nya. Huminga ako ng malalim.

"I-i don't know. Ayokong paasahin si Ace." panimula ko.Ramdam kong napaseryoso si Tin. Tumango tango pa sya na parang nagsasabing ipagpatuloy ko.

"Kaya lang...hindi naman maiiwasang may masaktan diba? I mean, sa kaso ko oo may masasaktan dahil I let them to court me. Especially him.Dalawa sila pero isa lang ako.Hindi naman pwedeng sagutin ko sila pareho" sabi ko pa.

"Isa pa, pag nagmahal ka pwede kang masaktan.Kaya hindi maiiwasan yan,sadya man o hindi may masasaktan pero sa status ko ngayon..Simula nung hinayaan ko silang dalawa na ligawan ako,alam na nating lahat na sa huli may mananalo at may matatalo."

"In short?" tanong ni Tin.

"Kasalanan ko lahat kung bakit komplikado ang lahat ng 'to" sagot ko. Tumango sya bilang tugon. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba kasi hindi ako nagiisip nung mga araw na yon?
Naman kasi Sapphire! Ang tanga mo lang!

"Hayy! Oks lang yan Bessie! Malalampasan mo rin yan! Pag-isipan mo lang ng mabuti at malay mo..Mahanap mo ang sagot dyan, diba? Maglakwatsa muna tayo! Tara cutting! Harhar!" pag aaya ni Tin. Nagulat naman ako dun. Cutting?!

"Cutting?! Sira ka ba?! Hindi tayo palalabasin ng guard sa gate!" sagot ko.

"OMG. Shock ka na nyan? Edi tumakas tayo! Duh~ Leggo!!" sabay hila sa akin ni Tin.Buti nalang at dala lagi namin ang bag namin.

Sa Mall..

"Yung totoo?Anong balak mong gawin dito?" tanong ko.

Nginitian lang ako ni Tin at nagkibit balikat. Ano? Hindi nya alam?

"Ano? Hindi mo alam ang gagawin natin dito? Bakit nagcutting pa tayo kung wala naman pala tayong gagawin? Ang gulo mo talaga kahit kailan Christine Granfiel!" sumimangot ako sa kanya.

"Eeeeehhh....Kasiiiii.."

"Kasi?" tanong ko.

"Kailangan ko ng tulong mo, Sap!" sagot nya.Nagtaka naman ako.Tulong?Anong klaseng tulong?

"Huh?"

"I mean..Tulungan mo akong maghanap ng ireregalo kay Charles! Malapit na kasi ang susunod na monthsary namin. Puhleaase?" napapout ako. Kaya pala nya ako sinama. Diskarte nya talaga kahit kailan, baluktot.

"Okay sige. Tara" sabi ko. Ngumiti naman ang bruha. Tsk tsk.

Department store..

"Seriously? Bes? Dito mo ako papipiliin ng ireregalo kay Cupcake?"

Argh! That 'cupcake' endearment! Kadiri.

Tumango lang ako bilang sagot.
Ano bang magandang iregalo kay Charles?

"Ano bang gusto ng CUPCAKE mo?" diniinan ko talaga yung cupcake.

"Ako! hihihi!"

"Ay bruha! Seryoso ako Tin ah! Iiwanan talaga kita dito,promise!"

Hmm....

"Relo?" umiling si Tin.

"Damit?" umiling ulit.

"Cap?" hindi rin daw.

"Ahh? Sapatos?" tanong ko.

Lumaki naman ang mata ni Tin.

"Seriously bes?! Yan ang gusto mong iregalo ko? Kumpleto kaya yun sa sapatos!"

"Hindi ko naman kaya alam ang gusto niya! Ikaw nalang kaya!"

"Aish! Fine! Wag dito! Leggo!" sabay hila nya sa akin papunta sa isang store.Yung store na....sobrang mahal.

***

"Anong maganda bes? Eto? o Eto?" nagkibit balikat nalang ako tutal pareho lang naman nya kukunin.

"Hay! Pareho na nga lang!" Oh see? Sabi sa inyo eh.

Nakabili na kami ng ireregalo nya,kaya ayan nags-shopping para naman sa sarili.

Pumunta ako sa accessory section. Napansin ko nanaman yung sapphire necklace. Ang ganda talaga. 'Eto din kasi yung store na nadaanan ko noon kung saan nakalagay yung Sapphire necklace.

"Hi Mam! Interested po kayo?" tanong ng isang saleslady.

Umiling lang ako. Hindi ganun kasapat ang perang dala ko tsaka hindi ko hilig ang mga alahas.
135,600 ang presyo eh. Malamang Sapphire yung necklace.

Umalis na ako at pupuntahan na lang si Tin ng may mabunggo ako. Nahulog tuloy yung mga dala nya.

"Oh sorry! Sorry! Hindi ko po sadya!" sabi ko saka lumuhod para kunin yung mga nahulog nyang gamit.

Ng may mapansin ako..

Isang necklace na may picture ng dalawang babae. Si....Monica at Eliza?

"Ano pang silbi ng sorry mo? Eh nahulog na yung mga gamit ko?" Mataray na sabi nung babaeng nabunggo ko. Pamilyar yung boses. Parang si....

Umangat ako ng tingin at nabigla kaming pareho.

"MONICA?!"

"SAPPHIRE?!"

Ilang segundo din kaming nagkatitigan. Ghad! Si Monica ba talaga to? Ang tagal nyang di nagpakita.

"Bessie? What happened? Tara na uwi----Oh!" dumating bigla si Tintin at pati sya nagulat na nandito si Monica.

Tinaasan sya ng kilay ni Monica at ganun din ang ginawa ni Tin.

"So nandito ang dalawang magbestfriends? Oh? I see...Nagcutting? Tsk."

nainis naman kami. Ano bang pakialam nya?

"Ano ngayon?" mataray na sabi ni Tin.

"Hmm? Lumalaban ka na Granfiel? Ohh...Well, pwede ko kayong isumbong."

This time ako naman ang napataas ng kilay.

"Edi sumbong mo. Gusto mo bang samahan ka pa namin?" ngumisi ako na mukhang nagpa asar naman sa kanya.

"Bitch" sasampalin na sana ako ni Monica ng pigilan sya ni Tin. Naks. Bestfriend to the rescue!

"Subukan mo lang syang sampalin, ibabalik ko yung sampal mo mg triple ang lakas" seryosong sabi ni Tin.

Binawi naman agad ni Monica yung kamay nya at tumingin sa akin saka ngumisi.

Kumunot naman ang noo ko. Sa ngisi nyang yan,parang may kaya syang gawin sa akin na hindi maganda.

"Let's see kung makakalaban ka pa Mendoza,matapos naming ituloy yung mga threats na natatanggap mo. Maghanda ka"
sabi nya sabay alis.

Namutla naman ako doon at natulala. Sh*t! Sya yung nagpapadala ng threats?! Pero anong namin? Hindi lang sya?
Sino?!

------

Ayan. Bumalik na sya. Sana nagustuhan nyo!

Vote,Comment or be a fan.
Thank you!

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Där berättelser lever. Upptäck nu