Chapter 30: Suppressed Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinulungan nyang makaakyat si Kathryn at pumwesto sila sa isang parte ng burol kung saan may malaking bato. 

“Wow!” Sigaw ni Kathryn nang makita ang paligid. 

Kung saan sila nakatayo ay may isang napakagandang view ng mga bundok sa paligid, at may dagat naman sa ibaba nito. Ang liwanag ng buwan at bituin ay nagrereflect sa dagat kaya napakaganda nitong tingnan. 

Tahimik din sa paligid at tanging huni lamang ng mga ibon at galaw ng dahon dahil sa hangin ang maririnig. Such a refreshing place na puno ng tranquility. Isang bagay na matagal nang di nararanasan ni Kathryn dahil madalas sya sa city. Ngayon nya narealize na ang lahat ng paglalakad na ginawa nya ay worth it. 

“Pano mo nahanap ang lugar na to?” Tanong nya kay Daniel habang namamangha pa rin sya sa paligid. 

“Sasabihin ko sayo kung uupo ka sa tabi ko.” 

Nilingon nya ito at nakitang kumportableng nakaupo si Daniel sa isang picnic blanket at nakasandal sa malaking bato. Naka-barefoot din ito habang tinatapik ang bakanteng puwesto sa tabi ng kinauupusan bilang senyales na maupo sya roon. 

Naglakad naman sya papunta doon at tinanggal ang sapatos nya. Naupo sya sa tabi ni Daniel at agad namang nilagay ng binata ang suit jacket nito sa balikat nya. 

“Thanks.” Saglit silang nagkatitigan ni Daniel matapos noon pero agad ding iniwas ni Kathryn ang tingin. 

“So anong kwento tungkol dito?” Tanong nya uli sa binata. 

Narinig nyang huminga ng malalim si Daniel. 

“Siguro mga 3 months ago na nung nagkaroon ako ng sobrang frustrating na araw sa trabaho. I was so exhausted. Lahat ata ng overtime took a toll on me. Kaya naisipan kong umalis sa opisina for an hour at nagdrive lang ako kung san san hanggang I was feeling a little adventurous and naisipan kong magtrek. At ayun nga nakita ko ang spot na ito. There’s something very relaxing in this environment. Nagpupunta ako dito tuwing malungkot ako or pagod. Ito ang place of refuge ko away from the hype of civilization.” Kwento ni Daniel. 

Sumandal si Kathryn sa bato at tumingin kay Daniel na nakatingin sa horizon. 

“Ano bang nangyari sayo? Sa naalala ko, isa kang party-goer. Nasa iba ibang bars every night. And now, nagkukulong ka sa loob ng opisina mo buong araw. Parang it’s a different you. It’s hard to believe that you changed that much overnight.” Sa wakas ay naitanong na rin ni  Kathryn ang matagal ng bumabagabag sa kanya. 

Hindi agad sumagot si Daniel. 

*You.*  Gusto sana nyang isagot sa dalaga. 

Simula kasi ng umalis si Kathryn, ay isinubsob na ni Daniel ang sarili sa trabaho. Siguro ito ang paraan nya para idistract ang sarili nya. At para na rin makalimutan nya ang fact na he let someone so special slip away through his fingers. 

Somehow, tuwing makakapagspend sya ng time kasama si Kathryn ay nagbabago ang papanaw nya sa buhay. Yung mga bagay na dati ay ginagawa nya kagaya ng pambababae, paginom, parties, lahat ng iyon ay parang mababaw na kaligayahan na lamang. At lahat ng iyon ay dahil kay Kathryn. Pero syempre hindi iyon alam ng dalaga, at marahil ay mas mabuti nang hindi nya malaman. 

“Narealize ko lang na meron akong responsibilities bilang isang Padilla na hindi ko pwedeng itake for granted.” Simpleng sagot lamang ni Daniel. 

“Wow. The playboy is all grown up. So isa ka na bang playman ngayon?” Asar nya dito. 

“Parang mas gusto ko yung conscientious stud, pero kung san ka masaya eh di yun na.”

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon