Chapter 3: First Encounter

Start from the beginning
                                    

“Eh brad naman, sasabihin ko kasi sana sa’yo na kakaubos lang ng load ko kanina pero hindi mo naman ako pinatapos. Saka bakit? Hindi ba pwedeng pang-“selfie” yung cellphone?” Ngiting sinabi ni Kristoff. Pambihira, nagpapacute pa sa harapan ko.

“Haaaayss. Naloko na”

Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko. Umupo nalang ako sa tabi ni Kristoff habang pabrush-up na hinawi ang buhok. Feeling hopeless na kasi...

Bakit ba kasi, brad? Ano ba yang pinaghihimutok mo dyan?”

“Haysss.. Si Nikki kasi, brad....” Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng makita ko si Ashley na paparating na sa kinaroroonan namin ni Kristoff. Yown! Si Ash, baka may load

 Tinakbo ko kaagad si Ashley para tanungin kung may load siya.

Hinawakan ko sa magkabilang kamay si Ashley at sinabing “Ash, buti nalang dumating ka!” .

“H-Ha? B-Bakit? A-Anong meron?” Sabi ni Ashley at bigla akong iniwasan ng tingin. Ba’t parang namumula siya? May sakit ba siya?

“Emergency kasi.. Si Nikki kelangan matawagan. Kausap ko kasi siya sa phone kanina ng biglang may narinig akong malakas na bagay na tumunog sa background at...at naputol ang linya!”

“Ay ganun? Si Niks lang pala ang dahilan” sabay alis sa pagkakahawak sa kamay ko. Bumuntong hininga siya at umupo nalang sa bleacher.

*Paaaaaaakk!

“Aray ko naman, Toff! Ba’t ka ba namamatok, brad?” Abay, loko tong si Kristoff. Batukan ba naman ako bigla. Aish.. Ang sakit!

“Ikaw naman kasi,brad. Paasa ka din eh noh. Iaapproach mo si Ash with matching hawak pa ng kamay nya tapos si Nik niks lang pala ang hahanapin mo. Kita mo na ngang may gusto yung....ARAAAAY!” sabay hawak ni Kristoff sa tagiliran nya dahil sa pagkakakurot ni Ashley. Bakit naman kaya nya kinurot si Kristoff?

“Ash naman. Ba’t ka nangungurot?” Reklamo ni Kristoff kay Ashley.

Tinignan lang siya ng masama ni Ash. Nanahimik si Toff nung nakita nyang ganun yung tingin sa kanya ni Ash. Bakit kaya?

“Bakit? Anung meron? Ano yung---“

“WALA!” Sabay nilang sinabi sa akin. Ang daya naman!

Sinubukan ko ulit magtanong sa kanila kaso hindi na nila ako sinasagot. Hayss.. ang daya talaga nitong dalawang to.

*inhale exhale Anyways, kamusta na kaya si Buds?

Haysss..Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Sana ok lang siya...

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now