Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts

Start from the beginning
                                    

“Goodmorning din po Ma’am. Ang aga nyo po ah..” ngiting sinabi ni kuya guard.

“Oo nga po kuya eh. Napaaga po ng gising..haha” at nagpatuloy na ako sa pagpasok sa campus. Siyempre, hindi ko sinabi na excited akong pumasok.

Naawa kasi ako kay kuya guard. Magdamag kasi siyang bati ng bati sa mga studyante pero wala namang pumapansin sa kanya. Kaya ayun, ako nalang bumabati sa kanya. At least sa ganoong paraan ay makatulong ako sa kanya.

The hills are alive with the sound of music...

Yan ang music na tumakbo sa utak ko ng makapasok na ako sa campus.

“Welcome to Xavier School of Arts” bati nang banner na bumungad sa harapan ko. Siyempre, hindi nagsalita yung banner. Nakikita ko lang sa tarpaulin. Kayo talaga oh.

Anyways highways, dito sa Xavier school of Arts, iba’t ibang uri ng nilalang ang ma-eencounter nyo.. Actually,gumawa nga ako ng list eh..

Eto pakita ko sa inyo..

Class of students in Xavier School of Arts.

Bongga noh? May title pa...  

Anyways, ganito ang makikita mong students sa school na ito.

The Nerdy aka The Walking Wikipedias

These are the students na makikita nyong palaging may hawak na libro. Kung hindi libro, handouts. Kung hindi handouts, ipads. High techs diba? Pero guess what? Pag sinilip ninyo ang ipads nila, eh wag na kayong magulat pa. Puro lectures lang naman at may kinalaman sa class. Sila rin ang mga taong walang social life. Kung meron man silang social life, yun ay ang academics life. Nga pala, tapos sila rin ang mga tipo ng taong hindi basta-basta makakausap especially pag may hawak na books. Kakausapin lang nila kayo pag may tinanong kayo na anything about lectures pero kung walang kinalaman sa lectures, naku. Asa ka pa.

The Rich Kids aka The King and Queens of the World

Sila lang naman ang mga taong walang ginawa kundi ang magpayabangan ng gamit. Yung tipong payabangan ng gadgets. Kung hindi man gadgets, cars. Kung hindi naman cars, branded clothes and accessories. Minimum of P10,000 pesos ang worth ng bawat isang gamit nila. Nakakalula diba? Well, ganun talaga, anak mayaman eh. Ito ang mga tipong nilalang na hindi ka kakausapin hanggat wala kang pinapakitang branded na bagay sa kanila. Kung may branded things ka naman, dapat updated para “in” ka sa kanila. Ganun kahirap kaibiganin ang mga tulad nila. Pero siyempre, hindi naman lahat, tulad nila. May iilan ilan din naman kasi na kahit mayaman ay friendly at hindi mapagmataas. [Ehem!] Sa madaling salita, endangered species sila kung maituturing.

The Trashers aka The Weirdos

Sila ang mga taong kakaiba sa lahat ng students sa Xaviers. Bakit kamo? Paano kasi sila ang pinaka-noticable sa lahat. They are wearing some weird clothes, as in trending ata sa ibang universe. Imagine, they are wearing black dress na matino pero pag dating sa bottom part is naka-high cut sneakers. Sa lalaki naman, t-shirt na black with matching earrings and eyeliners pa. Ang weird diba? At hindi lang yun, pag nagjoke sila, sila lang ang matatawa. As in parang hindi mo talaga magegets ang joke nila. Mapapaisip ka nalang na sana hindi na lang sila nagjoke kung sila rin lang ang matatawa. Minsan pa nga, naiisip ko kung weird ba talaga ang sense of humor nila or sadyang wala lang talaga akong sense of humor.

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now