Chapter 1: Meet the Sarmiento

Start from the beginning
                                    

"haha.. Hay nako, sinabi mo pa,Manang. Siguro nga hindi na yata yan nakatulog dahil sa sobrang excited pumasok. Tignan mo, full of energy pa." Natawang sabi ni Daddy sabay higop ng kape.

"Uy grabe naman po, daddy. Hindi naman po. Ang himbing kaya ng tulog ko" *pout.

Bumaling ako ng tingin kay Manang Beth. "Naku, Manang Beth wag kayong maniniwala kay daddy. Bolero pa yan kaya lalong di kapanipaniwala.." bulong na sabi ko..

Humalakhak ng malakas si Manang Beth. "Hahaha. Nakakatawa talaga kayong pagmasdan na dalawa."

"Haha. Nga pala, kumaen na po ba kayo, Manang? Tara Kain na po" Inaya ko si Manang at tinapik ko yung upuan na nasa tabi ko.

"Sige po Mam Nikki, mamaya nalang" 

"Sure po kayo? Hindi pa po kayo gutom? Eh madami naman po tong hinanda ninyo sa amin eh. Alam ko po na matakaw si Daddy pero di namin kayang ubusin to lahat."

Madami naman kasi talaga yung pagkain eh. Bukod sa sliced bread at hotdog, meron pang sinangag, sunny side-up eggs at sausage pa. Samahan mo pa ng coffee at milk.

"Princess naman. Wag mo naman akong ibuko kay Manang" Pabirong suway sa akin ni Daddy.

Bago pa ako makasagot kay daddy, tumawa ulit ng malakas si Manang Beth.

"Hahaha.. nakakatuwa talaga kayong pagmasdan. Palabiro kasi kayong dalawa eh."

Nakangiti nyang sinabi yun sa amin kaso pagkatapos nyang ngumiti, nangibabaw yung lungkot sa mukha nya. Bakit kaya?

"Parang kailan lang nung kumpleto pa kayo at masayang kumakain ng tulad nito. Nung buhay pa si Mam Gela." Malungkot na sabi ni Manang.

Hala, umiiyak na si Manang Beth?

Nangibabaw ang katahimikan sa buong dining area. Hindi namin alam ni Daddy kung ano ang sasabihin namin kaya nagkatinginan nalang kami.

( o_o ) <------- Ako at si dad

='(   <------  Manang Beth

Hala. Naku, bawal ang bad vibes.

Teka..

Ah.. Alam ko na!

Tumayo ako mula sa diner table at pumunta sa kinaroroonan ni Manang Beth.

"Ayan Daddy! Ikaw kasi pinaiyak mo tuloy si Manang Beth. Ang cheesy mo daw kasi eh" Niyakap ko siya ng mahigpit para tumigil na siya sa pag iyak.

Sumang-ayon din naman si Daddy at nagsimula na rin siyang magsalita. "Oh siya.. Ako na ang may kasalanan. Sorry na Manang Beth. Naiyak ka tuloy sa pagkacheesy ko". Tumayo na rin si daddy at niyakap din si Manang Beth.

"Dad, pag hindi pa tumigil si Manang Beth sa pag iyak, Higpitan na natin yung pagkakayakap sa kanya. Hanggang sa mapipi..hahaha" niyakap ko ng mahigpit si Manang Beth habang nakangiti.

"Roger that, my princess.." sumang-ayon ulit si daddy at hinigpitan din ang yakap kay Manang Beth.

"Oh siya, tama na..*sniff sniff. Titigil nako sa pagiyak. Bago pa ako mapipi ng tuluyan."

Nagtawanan kaming tatlo at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Pagkatapos kumain, agad kong kinuha ang body bag ko mula sa sala at nagpaalam na kay daddy.

"Daddy, aalis na po ako,bye!" Kiniss ko si daddy sa cheeks, sabay takbo papunta sa may pintuan. Palabas na sana ako ng biglang hinarangan ako ni daddy.

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now