Chapter 19 - Allen

2.8K 105 1
                                    

Naguguluhan sila Allen at Alyssandra pero pareho lang naman sila. Hindi alam kung ano na ang tingin nila sa isa't isa. Sa mga readers ko dito. Mag-iwan sana kayo ng comment. Salamat

My other stories:

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

************

Allen POV

Hinagis ko sa kama ang bag ko at pabagsak na humiga. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Alyssa. Hindi ko siya maintindihan. Paiba-iba ang mood niya. Minsan mabait tapos lagi namang galit kapag may itatanong lang ako.

Gusto ko lang naman malaman kung sino ang nagbigay ng bulaklak sa kanya. Masama na ba magtanong? Inutusan niya pa ako para lang sabihin sa kanya ang gusto niyang malaman.

Hindi naman niya kailangan gawin yun kahit owner ko pa siya dahil sasabihin ko naman. Sino kaya ang nagbigay kay Alyssa? Kapag nalaman ko talaga at malalagot sakin ang taong iyon!

Hindi na dapat mangyari ulit ito. Haharangan ko na kung sino pa ulit ang magtatangkang magbigay ng kahit ano sa babaeng iyon.

Paiba-iba pa naman ang mood niya at baka maniwala sa mga lalaki. Dapat sa akin lang siya maniwala. Kailangan mabantayan ko ang kilos ng mga nakapaligid sa amin.

Napatingin ako sa bag ko ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko sa loob nito. Sino na naman kaya ang istorbo ng ganitong oras.

"Pare, busy ka ba ngayon?" si Kester lang pala.

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Magbar naman tayo. Ilang linggo na tayong hindi pumupunta ng bar at nababagot na ako sa bahay namin." Isa pa itong gala. Lagi nagyayaya uminom kapag walang magawa sa buhay niya.

"Kasama ba yung dalawa? Tawagan mo rin para kumpleto tayo."

"Sasama ka?! Wala ng bawian yan at tatawagan ko na yung dalawa! Sunduin ka na lang namin sa inyo."

Nawala na siya sa kabilang linya. Paniguradong tatawagan na niya ang dalawa. Kailangan ko ng magpalit at ilang minuto lang ay nandito na sila.

Mabilis pa naman magpatakbo si Kester. Dadaanan pa niya ang dalawa bago sa amin. Isa lang ang ginagamit naming kotse para hindi na kami mahirapan. Mas maganda na rin iyon para sabay sabay naming uuwi at walang maiiwan.

Bumaba na ako at nakita sila mommy. Unang nakapansin sa akin si mommy at napatingin na rin si daddy.

"Saan pupunta ang baby boy ko?" Narinig ko na naman ang tawag sa akin ni mommy noong baka pa ako at hanggang ngayon ay hindi nagbago.

"Nagkayayaan na pumunta ng bar mommy."

"Huwag masyadong uminom at yung kaya niyo lang para makauwi kayo ng mga kaibigan mo." Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na.

Sa labas ko na lang sila hihintayin para makaalis agad.Hindi nagtagal ay pumarada sa harapan ko ang isang kotse at nakita ko sila sa loob. Sumakay ako at umalis na.

Pagkarating namin ay marami ng tao sa loob. Pumili kami ng lugar na hindi masyadong matao. Gusto kong uminom ng walang istorbo.

"This is life! Dapat lagi tayong nandito!" Hinayaan ko na lang si Kester sa trip niya. Parang ngayon lang nakalabas.

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now