Chapter 18 - Alyssandra

2.8K 117 0
                                    

Alam kong hindi ko na masyadong natututukan ang story na to kaya sorry sa mga naghihintay. Salamat sa mga nagvote ng last chapter.

My other stories:

My So Strict Boss - Romance

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Alyssandra POV

Hindi ko mapigilang mapangiti sa inaasal ni Allen. Ganito pala siya kapag masama ang gising, ang sama makatingin at parang manghahamon ng away na kahit kaibigan niya ay takot sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa. Mabuti naman para makakain kami ng maayos. Pagkarating palang nila ay naninigaw na agad. Nag-eenjoy pa man din ako sa dala ni Karissa.

"Karissa, palit na lang tayo ng baon mo." Napatingin siya.

"Sigurado ka ba? Hindi katulad ng mga pagkain sa cafeteria ang baon ko at nakakahiya naman kung magpapalit tayo." Bakit siya mahihiya eh ako naman ang nagsabi na magpalit kami.

"Masarap naman yung baon mo. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng pagkain na katulad ng baon mo. Sang-ayon rin naman yung katabi ko na masarap, di ba Allen?" Pinatikim ko sa kanya kaya alam kong nagustuhan niya rin.

Tumango lang ulit ito. Hindi ba siya magsasalita. Kanina ko pa napapansin ang tahimik niya. Nasobrahan naman siya na kahit tanungin ko ay hindi pa rin siya sumasagot.

Tumingin ako sa mga kasama niya at nakangisi habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Isa pa silang weird ngayon.

"Tiklop pala ang isa dyan!"

"Hindi niya kayang makipagbangayan sa taong lagi niyang gustong makasama kaya tatahimik na lang sa isang tabi." Tumawa pa ito.

Ano ba ang pinagsasabi nila? Napansin ko ang sama na ng tingin ni Allen sa mga kasama niya habang kumakain.

"Huwag niyo ng inisin at baka mausog niyo pa. Sabagay isang ngiti lang ni Alyssa ay tatahimik na yan kaya wala na tayong magiging problema." Anong kinalaman ko sa kanila? Anong sinasabi nilang ngiti ko at si Allen? Lalo lang silang nagiging weird.

"Hindi na ba talaga kayo titigil na tatlo. Nananahimik lang dito at binibigyan niyo ng kung anu-anong ibig sabihin! Ibabato ko na sa inyo itong pagkain ko!"

Kailangan ko ng masanay sa pagiging magulo nila. Lagi ko na silang makakasama dahil mga kaibigan sila ni Allen.

Hinayaan na lang namin sila at kumain na lang kami ni Karissa. Wala naman akong magagawa kung ganito sila.

Bumalik na kami sa classroom pagkatapos namin. Hindi muna ako umupo sa upuan ko at tumabi ako kay Karissa. Wala pa naman ang katabi niya.

"Karissa, bakit hindi ka na maagang pumapasok nitong mga nakaraang araw?"

"Nag-oovertime kasi ako sa trabaho ko. Hindi kasi nagkakasya ang sweldo ko sa gastos sa school at sa bahay." Ang hirap pala ng sitwasyon niya.

"Gusto mo tulungan kitang makakuha ng scholarship?" Tumingin siya sa akin.

"Scholar na ako sa university na to at wala na akong mahanapang scholarship sa lugar namin." Ang alam ko ay may scholarship na binibigay si auntie maliban sa libreng tuition. Nagbibigay ng allowance sa mga studyanteng deserving na mabigyan.

"Tutulungan kita. May alam akong nagbibigay ng scholarship na nagbibigay ng allowance sa mga scholar nila."

Niyakap niya ako, "Salamat. Sana makuha ako sa sinasabi mo. Malaking tulong iyon sakin."

My Snobbish Heart (Raven Series) ON HOLDWhere stories live. Discover now