Part Ten: The face off and Sweet teddy bears

Start from the beginning
                                    

                “So, you’re letting him go?” agaw nito. Ang mga mata nito’y napuno ng karampot na pag-asa.

                “No, nagkakamali ka. I’m sorry subalit umabot na sa sukdulan ang selfishness ko. I can’t give him back to you.”

                “Pero ang sabi mo—“

                “You got it all wrong… I don’t want to hurt the child so I am willing to accept him as my own. Wala pang muwang ang bata, Julie, he can grow up knowing I am his real mother,” walang kagatol-gatol na aniya.

                Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaniyang pisnge. Ngunit ng mga sandaling iyon ay tila namamanhid siya’t walang madamang sakit.

                Ah, hindi, mali… masyado na siyang nasasaktan… emotionally na hindi na niya dama ang sakit physically.

                “Alam mo ba ang sinasabi mo? Sinong matinong ina ang gugustuhin malayo sa anak nila?” bakas ang hindi matawarang galit na nakalarawan sa mukha’t tinig nito.

                “Sa milyong-milyong tao dito sa Pilipinas maraming ina ang umaabandona ng kanilang mga anak. Sa kaso mo, hindi mo naman siya aabandunahin, bibigyan mo lang siya ng mabuting kinabukasan sa piling namin ni Neil. Mabuti nga iyon at walang kapalit na halaga ang buhay ni Warren.”

                “Ilang taon ka na, Arliza?”

                She mentally groaned. “Bakit?”

                “Do you think you can take care of my son?”

                Pailalim niya itong tinitigan saka napa-ismid. ‘Minamaliit yata ako nito, ah!’

                “I can!” puno ng dignity at confidence na aniya. Hell, she even took care of her three younger siblings then. She’s not that clueless in terms of that.

                Malakas itong napabuga ng hangin. “Bueno, aalis na ako. Walang kahihinatnan ang usapan na ito. Lalo pa kung katulad mong makasarili ang kakausapin ko!”

                “Aba’t!” dapat ay sinundan na niya ito ng  tumayo ito. Gusto niyang haltakin ang buhok nito’t itulad sa buhok ni Dora the explorer. Pero nagtimpi siya.

                Hanggang sa mawala ito sa paningin niya’y ‘di pa rin maalis ang ngit-ngit niya. Matapos siya gawing yaya?

                Sa kawalan ng mapagbubuntunan ay nilantak na lamang niya ang Leche Plan na nakahain sa mesa.

ARLIZA gaped at the text she had just received. Hindi siya makapaniwala sa nababasa. Kulang na lamang ay lumuwa ang mata niya. She had reread it over and over again, and she’s sure na hindi iyon kasalanan ng eye glasses niya. Sapagkat, totoo’t maliwanang pa sa sikat ng araw ang nababasa niya.

                ‘I don’t love you anymore…’ ~Neil

                “Is this some kind of sick JOKE?” hindi niya mapigilang ibulaslas. Kating-kati ang paa niyang sumugod pakabilang bahay. ‘Can my day get any more worst?

                Matapos ng lahat ng sakit na pinagdaan niya, ibabasura lang siya bigla nito. Has he found a new conquest? A new girl na hindi basta mapapa-amo ng katulad ng nangyari sa kaniya?

A Beautiful Affair [COMPLETE]Where stories live. Discover now