Part Ten: The face off and Sweet teddy bears

Start from the beginning
                                    

                “Ow, sorry.”

                “Okay lang…”

                Nang puntong iyon ay nasa likod na niya ang sumunod na numero pagkatapos niya. Kaya naman matapos maghulog ng 50 pesos sa donation box ay tumayo na siya’t lumabas ng center.

                Tulad ng inaasahan niya’y nakarir nga ang pagiging yaya niya for the day. Siya pa ang nagpaligo’t nagbihis rito pati ang pagpapakain. ‘Juice me, ano bang napasok ko?’

                She looked down at the little cherub now lying peacefully asleep in her arms. She felt an unfamiliar tingle as the little angel’s lips twitch in a smile.

                Yes, mahilig siya sa bata. Ang cute kasi nila’t ang sarap i-cuddle. Naiinis nga lang siya minsan kapag hindi sila mapatahan, pero kapag playful na naman ang attitude ng mga iyon ay tuwang-tuwa siya. Kaya nga kapag OJT nila sa nursery or DR ay sapat ang ligaya niya. Sky rocketed!

                At sa pagtunghay niya sa mukha ng batang dugo’t laman ng lalaking mahal ay parang may nabuhay na motherly instinct sa kaniyang dibdib.

                “Miss, andito na tayo!”

                “Hah?” napapitlag siya sa matamang pagtitig sa sanggol. “Ah, ito po bayad!”

                Tinanguan siya ng trysikel driver bago nito tuluyang pinatakbo ang sasakyan. Nilingon niya ang bahay na tinutuluyan ni Julie. And there she is standing at the doorway, her arms crossed across her chest. “Let’s talk!” seryosong anito.

                Sa gilid nito’y lumitaw ang pigura ng tiyahin nitong nakilala niya na rin ng umaga na iyon—old enough to take care of Warren kaya sa kanya iyon ipinasa ng nobyo. Dirediretsong lumapit ito sa kanya’t kinuha ang bata na himbing pa rin hanggang sa mga sandaling iyon. ‘Wala man lang excuse me or thank you? Antipatika ni lola, ah!’

                Nang makapasok na ang mga ito sa loob ay sinenyasan siya ni Julie na sumunod sa kanya. Sumakay sila sa taxi na nataong nadaan at pinara nito.

ILANG sandaling nanatili silang nakaupo lamang at nagtitigan. Siya’y inabala ang sarili sa pagsimsim ng kape. Gustuhin man niyang hindi mailang ay hindi niya maiwasan sa gawi ng pagtingin nito sa kaniya.

                Cliché much but this must had been what the Amoeba, they’d been observing under the microscope during one of their Microbiology lab works, had been feeling.

                Ilang sandali pa’y hindi na siya nakatiis. “Bakit mo siya iniwan dati?” the question slipped her lips without her knowing it. Ang tanong na hindi niya magawa-gawang itanong sa nobyo noon.

                “Why don’t you ask him why?” ani Julie.

                “Bakit nakakasira ba sa imahe niya ang dahilan?” she can’t help but wonder why. Lalong lumalalim ang curiosity niya. ‘Nambabae kaya siya?’

                “Hindi naman ako naparito para pag-usapan si Neil. I am here para makiusap, para sa kapakanan ng anak ko…” naikuyom niya ang kamao sa plaid skirt na suot. Sa halip na magpakumbaba ay tila gusto niya pang lalo itong inisin. Kaya’t hindi niya napigilan ang mga sumunod na katagang nanulas sa kaniyang mga labi.

“I am selfish, Julie, kung may minamahal ako gusto ko’y ako lang ang nagmamay-ari ng atensyon niya. Pero ibang usapan na kung may musmos na batang sangkot at posibleng masaktan. So…”

A Beautiful Affair [COMPLETE]Where stories live. Discover now