Chapter 21 Eagle Eye Mobilized

35 0 0
                                    

Gab's POV

Naglilibot kami ngayon ni Eunice sa isang bagong bukas na mall, ito na ata ang isa sa mga pinaka malaking mall dito sa Pinas tinalo na nito ang MOA sa laki. The usual ay pumapasok kami sa mga botique dahil tumitingin ng damit si Eunice, marami na din siyang binili at ako ang dakilang taga bitbit niya.

"Baby ayos lang ba ito?", tanong niya sa akin.

"Nakakasilaw ka Baby sobrang puti mo na tapos magpuputi ka pa", sabi ko sa kanya then nainis pa siya sa akin.

Pumasok siya ulit sa loob ng dressing room at tinry ang isang black dress na kinuha din niya kanina.

"Yan, much better", sabi ko naman sa kanya.

"Hay naku baby, wala ng magagawa ang kaputian ko. Bagay naman sa akin yung white na dress kaya kukunin ko na rin", sabi niya at huminga na lang ako ng malalim.

Binayaran na ni Eunice ang mga dress na kinuha niya at binigay agad sa akin ang mga paperbag ng mga ito. Lumabas na kami ng shop at naglakad lakad na kami nang napahinto kami kasi nagvibrate bigla ang phones namin. Tumigil muna kami sa isang bench at umupo saglit bago tignan ang phone namin, nabigla pa kami sa nakita namin.

//Text message

Condition Yellow. All agents report to your quarters. Team leaders and S rank agents proceed to briefing room.

-Terminal

//End of message

Nagkatinginan kami ni Eunice dahil sa text message na iyon, hindi pa nagkakaroon ng condition yellow simula nang naging head ng Eagle Eye si tito Sai, isang malakihang operation ata ang mangyayari.

Condition Yellow is one of the two urgent status of all the agents. Kapag Condition Yellow ay pinapabalik lahat ng mga agents sa HQ para sa briefing at the same time all B to S rank agents are required to be part of the mission. The last time na may scenario na katulad ng Condition Yellow is the great battle of the poles na kung saan natalo ng Eagle Eye ang isa pang agency na gustong sumakop sa buong mundo, it was the time na agent pa sina tito Sai and the rest of Banshee.

"This is weird", sabi ko naman.

"Nahanap na ata nila ang pinapahanap ko", sabi naman ni Eunice.

"Alin? And sino?", tanong ko naman sa kanya.

"It's a task to our members", sabi naman ni Eunice. Hindi ako makapagobject kasi isa din sa mga plano ko ang gamitin ang Shinobi Society para mahanap ko ang mga targets namin.

"Tara", sabi ko naman at tumango naman siya.

"Uwi muna tayo madami kasi akong nabili and mga gamit natin nasa condo", sabi naman ni Eunice.

"Okay, basta bilisan natin", sabi ko naman.

Mabilis kaming pumunta sa parking area at sinakay na ang mga gamit sa black kong Acura NSX. Mabilis akong nagmaneho papunta sa condo unit namin ni Eunice, habang nagmamaneho ako ay busy si Eunice na basahin ang mission plan na natanggap namin kasama ng text message.

"Sketchy pa ang intel", sabi ni Eunice.

"Bakit naman?", tanong ko sa kanya.

"Ang sabi lang ay immove ang mga nanomite warheads pero walang naka lagay na mode of transport", sabi ni Eunice.

"It could be a trap", sabi ko.

"Yeah I agree", sabi naman ni Eunice.

"Saan daw dadalin?", tanong ko naman sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hunt for the Shinobi Queen(Remake)Where stories live. Discover now