Chapter 18 King and Queen

18 0 0
                                    

Gab's POV

It's been two weeks simula nang inaayos na namin ni Eunice ang aming civil wedding, nakakapagtaka nga at gusto na niyang magcivil wedding na kami agad ang alam ko kasi ay gusto niya talaga ang church wedding at iyon ang pinaghahandaan ko na ng matagal.

"Baby masyado ka nang stress sa wedding natin pahinga ka na muna", sabi ko sa kanya, ang dami niya pa kasing inaasikaso ang civil wedding nagmumukhang church wedding na.

"Sino sino ba kasi ang ininvitet mo para pumunta?", tanong ko naman sa kanya.

"Friends natin and relatives pati sina ate lang naman", sabi ni Eunice referring to her ates na sobrang close sa kanya.

"Nakausap ko na yung judge na magkakasal sa atin ayos na din ang schedule", sabi ko.

"Good, yung sa reception natin?", tanong naman ni Eunice.

"Ayos na din, good for fifty just like what you said", sabi ko naman at tumango naman siya.

Napapansin ko kay Eunice in the past few days ay namamayat na siya. Kapag tinatanong ko naman siya ay nagdidiet daw siya kaya siya nangangayayat, ano naman kaya ang iddiet niya eh ang payat na niya dati pa.

"Ano gusto mong kainin baby? Late na para sa dinner natin", sabi ko.

"Hmmm, Carbonara na lang", sabi niya sa akin.

"Okay dito ka muna, magluluto lang ako saglit", sabi ko then pumunta sa kusina at nagumpisang magluto para sa paboritong Carbonara ni Eunice.

Habang nagluluto ako ay pinagmamasdan ko siya sa may sala, ang daming paperworks ang kanyang inaasikaso at halatang lagi siyang puyat dahil sa kanyang mga eyebags hindi tuloy mawala na magalala ako sa kanya lalo na at lagi siyang may lagnat lately, pinapagpahinga ko na siya pero ayaw pa din niya pilit pa din niyang tinatapos ang mga papels na dapat niyang tapusin.

"Here's your food baby, nagprepare na din ako ng garlic bread together with your Carbonara", sabi ko at linagay sa may center table ang isang tray na nakalagay ang pagkain ni Eunice.

"Kain na tayo baby", sabi niya sa akin at tinabi muna ang mga ginagawa niya.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at ang busy mo baby?", tanong ko sa kanya habang kumakain ng isang garlic bread.

"Have you heard of orphanage named House of the Beloved Children?", tanong sa akin ni Eunice.

"Yeah, lately nga ang busy doon sa orphanage na yon eh rinerenovate daw may donor daw na nagpresintang magsponsor sa pagpaparenovate ng lugar", sabi ko naman.

"Talaga? Any idea kung sino ang sponsor nila?", tanong niya sa akin.

"Sabi sa akin nung mga owners ng shop sa paligid ng orphanage isang babae daw ang nagpresentang sponsor", sabi ko.

"Inaayos ko na nga sana ang scholarship ng mga bata doon kaso naunahan ako dahil daw may nagsponsor na din sa kanila sa DIU", sabi ko.

"Wee? Di nga Gab? Ikaw magsponsor?", mapangasar na tanong niya sa akin.

"Oo naman, ano akala mo sa akin selfish?", tanong ko sa kanya.

"Oo selfish ka", sabi niya sa akin.

"Oo, selfish ako pagdating sayo", sabi ko then bigla siyang namula.

"Ayaw kong may ibang lumalapit sayo, akin ka lang", sabi ko naman.

Three days more before our civil wedding, halos lahat ng mga papeles ni Eunice ay inaayos na niya dahil after three days magiiba na ang kanyang last name at kailangan naayos na lahat para wala na siyang problema pa.

Hunt for the Shinobi Queen(Remake)Where stories live. Discover now