Ouch!!

3K 58 7
                                    

I panicked after realizing what I had forgot... I immediately got my phone and texted Kath...

To Kath:

Kath, may nabasa ka ba sa messages ko?


I know na hindi lang si Kath ang nakaalam kasi madami sila dun na magkakasama kaya tinext ko na din ang iba.. Nag-chat na din ako sa facebook para in case na wala silang load, they could reply on chat.

To Hannah:

Hannah, may nabasa ka ba sa messages ko??


Si Hannah, agad agad naman nagreply...

"Sorry Jj, hindi ko talaga sinasadyang mabasa yung message mo... Nung pagkabasa ko naman nung 1st line, sinarado ko na kaagad." 

SH*T... Nabasa nga nila. I cursed inside my thoughts. I don't expect that this thing will happen, that they would figure this out. SH*T talaga... Naiiyak na ako...

From Kath:

"Sorry, sorry, sorry talaga Jj, kung hindi ko binuksan yung isang message ni Sir, hindi sana malalaman ng lahat toh.." 

"Anong bang nabasa mo Kath?"  sagot ko sa text. Pinanghihinaan na ako ng loob..

"Ang nabasa ko lang ay 'yung you give me time and hope'....yun lang at mabilis kong ki-nlose ang nasa inbox mo kasi nagulat ako. Sorry talaga." sagot naman ni Kath. Malaking problema 'toh. >__________<

Hannah replied on facebook...

"Sorry talaga Jj, sorry..." sagot nya. Wala na talaga akong magagawa. Nangyari na.

"Ano bang nabasa mo Hannah...?" tanong ko naman.

"1 line lang talaga ang nabasa ko...'hindi ko na kaya, ayaw ko nang mawala ka pa'... pagkabasa ko nun, binaba ko na kaagad ang cellphone mo... Nagulat ako kaya pinagkaguluhan din ang cellphone mo kanina..." sagot naman ni Hannah sa chat.

"Uhh! Dyos ko po.... Akala ko si Kath lang ang nakabasa." sagot ko na lang.. Gusto ko na talagang umiyak. Ang relasyon na iniingatan ko na malaman ng iba sapagkat natatakot ako na mahusgahan nila.. mabubunyag din pala...sa hindi pa magandang pagkakataon.

"Kinuha ko kay Kath yung cellphone mo kasi shocked yung expression nya.. At dahil napasigaw din ako ng konti,.. Nagsilapitan sila at tinignan din yung sinabi ni Sir. Sorry talaga." sagot pa ni Hannah.. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..  Bakit ko ba kasi nakalimutang isipin na nandun ang mga messages ni Sir. Kabobo ko talaga..

My Professor becomes my Suitor!?! (Based on real experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon