Never assume unless otherwise stated

5.4K 78 9
                                    

Sabi nila, huwag na huwag ka daw mag-aassume, mag-expect ka na, pero wag kang mag-aassume kasi mas masakit kapag hindi nangyari, kapag hindi nagkatotoo...

It's been days simula noong naging prof. ko na naman si Sir Leviste at hindi pa rin maalis sa isipan ko kung bakit sa dinami-dami ng section na mahahawakan nya, ang section ko pa ang napatapat. Coincidence lamang ba ang lahat o destiny na talaga? Ang sarap sanang isipin na sinadya nya talaga na mapunta sa amin kasi nandun ako pero hindi naman talaga iyon ang nangyari... Hindi din naman yata nya ginusto... 

Inakala ko din na hindi na nya ako kilala pero nagkamali ako...

"Who has already downloaded the movie I assigned for you to watch last meeting?" pagtatanong ni Sir Leviste sa buong klase... At dahil naikwento ko na yun sa aking crush/ ultimate crush na si Bryan... Napatingin sya sa akin... Parang automatic na lang na tumaas yung kamay ko... At napansin naman kaagad yun ni Sir Leviste...

"Good, Ms. Dialogue, for being a responsible student." sabi nya sa akin. Ako naman nakatingin lang... Kinakabahan... And he just continued with the discussion.

"Uiii, tanda pa si Jj ni Sir." sabi ni Fey habang kinakausap ang iba pa naming kaibigan.

"Oiii, oonga..." pagsang-ayon naman nina Hannah. 

Kala ko ay hindi na nya ako tanda... Si Sir Leviste pa naman yung tipong parang napakabilis makalimot.. Pero summer lang kasi yun... At wala pang 2 buwan ang nakaraan.. Si Sir Leviste, hmmm... Mysterious... Di ko makuha ang aura nya... Palagi syang nagmamadali. pero feel free kaming magtanong habang nagkaklase sya... Siguro kasi maikli lang yung vacant nya para pumunta in his next class.. Minsan di mo rin talaga maintindihan ang people.. Magulo... As in.. Pero napakaswerte talaga ng magiging- gf ni Sir Leviste kasi bukod sa kanyang napakalakas na dating... Napakabait pa nya... Sabi nya nga samin one time na handa pa din daw nyang tanggapin at mahalin muli ang girlfriend nya na nang-iwan sa kanya... May ganitong klase pa bang lalake sa mundo ngayon? 

One time, nakatext ko si sir... Kamustahan lang... Nagdiscuss kasi sya and I just want to clarify something...

"Hello po sir." sabi ko sa text, nahihiya pa ako kasi syempre prof. mo tas katext mo tas kilala ka pa nya kasi estudyante ka nya ngayon.

"Hi, cno po sila." reply nya, ambilis niya magreply, mayaman sa load...

"Ahmm, ms. dialogue po sir, student nyo po sa engineering section. :D" sagot ko nalang...

"Ahhh, kumusta?" Tanong naman nya.

"Eto sir, naggagawa ng assignment sa religion." sagot ko... Tunay naman na yun ang ginagawa ko ngayon... Di yun echos noh!!!

"Weh, di nga." sagot naman nya... Grabe, makulit din palang kausap 'tong si sir na to. Napaka-seryoso sa classroom pero pag nakatext mo na, ang kulit.

"Ou nga po, e kayo po anong ginagawa nyo now?" tanong ko ulit... 

My Professor becomes my Suitor!?! (Based on real experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon