Lost

4.2K 285 51
                                    


Pagkalabas ni Karylle mula sa bar ay agad na hinanap ng kanyang mga mata si Vice. Nang di pa rin niya ito makita sa tapat ng bar ay agad na nilakad niya ang parking area para hanapin siya. Nanlumo naman si Karylle ng makita niya itong nakayuko lang habang naghihintay sa labas ng kanyang kotse. Agad niya itong nilapitan para makausap. Nang makita naman siya ni Vice ay agad itong tumalikod para punasan ang kanyang mga luha saka muling humarap sa dalaga.


"V-Vice..."

"A-Andyan ka na pala. Uhmm... S-Sa akin ka na sumabay muna pauwi ha? Nakainom ka kasi at baka maaksidente ka na naman habang nagmamaneho. Mahirap na. Uhmm.. I-Ipapakuha ko na lang yung kotse mo bukas para ihatid sa hotel." maayos na pagkasabi ni Vice at kitang kita naman ni Karylle ang sobrang lungkot sa mga mata nito. Sa halip na sumagot sa sinabi ni Vice ay mabilis niya itong nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Hindi naman pumalag si Vice sa kanyang ginawa at yumakap lang din ito sa kanya sabay halik sa kanyang noo.


"Tara uwi na tayo." salita muli ni Vice at sumakay na din sila agad sa kotse para umuwi na. Buong biyahe papauwi ay tahimik lang sila pareho at walang may gusto na magsalita. 


Habang nakatingin si Karylle sa labas ng bintana ay kung anu ano na ang kanyang naiisip at doble dobleng kaba na rin ang kanyang nadarama dahil hindi na niya alam kung ano nang mangyayari sa kanila ni Vice pagkatapos ng gabing ito. Labis siyang nagsisisi sa kanyang ginawa at di na niya napigilan na lumuha. Napapitlag na lang siya ng hawakan at halikan ni Vice ang kanyang kaliwang kamay habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa daan. Mas nakaramdam siya tuloy ng pagka-guilty habang nakatingin na sa kanya. 

Pagkauwi nila sa kanilang condo ay hindi pa rin sila nag-uusap. Pagkatapos nilang maglinis ng katawan at magbihis ng damit pantulog ay wala pa rin silang kibuan at pareho lamang nakaupo sa magkabilang dulo ng kama habang nakatalikod sa isa't isa. Nagdadalawang-isip pa rin si Karylle kung kakausapin na ba niya ngayon si Vice tungkol sa nangyari, ngunit nang marinig na niya ang paghikbi nito ay hindi na rin siya nakatiis at agad na niya itong nilapitan para yakapin. Mas bumigat tuloy ang pakiramdam ni Karylle nang mas humagulgol pa si Vice nang yumakap na din ito sa kanya.


"Vice, I'm so sorry..." naluluhang wika ni Karylle at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa kanya.

"E-Eto na ba ang karma ko? S-Sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa'yo?" pahikbing salita ni Vice at agad na umiling si Karylle sa kanya.

"No... Please, 'wag kang ---"

"Siguro nga nararapat lang na mangyari sa akin ito. N-Na ako naman ang masaktan ngayon."

"Vice, please! 'Wag ka namang magsalita ng ganyan oh. I'm so sorry.. H-Hindi ako nag-ingat. Nadala ako sa lungkot na nararamdaman ko kasi akala ko hindi mo na ako mahal." salita ni Karylle at malungkot na tinignan siya ni Vice sa kanyang mga mata.


"H-hindi mahal? Karylle, alam mong hindi totoo 'yan. Mahal kita.. Kulang pa ba? K-Kulang pa ba yung mga ginawa ko para makabawi sa'yo? Sabihin mo naman sa akin oh. Kulang pa ba K?" nanlulumong wika ni Vice at napayuko naman si Karylle sa tanong niya.

"A-Ang akala ko kasi ayaw mo na sa akin.. N-Na kuntento ka na lang na hanggang mag-M.U na lang tayo." pag-amin ni Karylle sa kanyang nararamdaman at napakunot naman ang noo ni Vice sa sinabi niya.


"Karylle, mahal kita. Hinding hindi na magbabago yun."

"Uhmm.. A-Ano kasi.. T-These past few days kasi hindi na tayo nagkakasabay na pumasok o kaya umuwi galing sa trabaho eh. Tumigil ka na rin sa panunuyo mo sa 'kin tapos minsan mo na lang din akong lambingin although naga-i love you ka pa din sa 'kin." pag-amin pa ni Karylle.

Suddenly You and Me - ViceRylleWhere stories live. Discover now