Page 8: Picture and Scene

21 2 0
                                    

Kahit naalala ko yung nangyari kagabi, syempre hindi pwedeng hindi ko ituloy tong trabaho ko

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang magkatinginan kami ni
Xander...

"Good Morning Babe!"

Ito na naman sya! Ang aga aga e!

"Pwede ba Spencer! Ang aga pa wag mo painitin ulo ko!"

"Si Babe naman ang sungit haha"

"Tabi nga dyan! Pupuntahan ko na si Xander ng matapos na tong interview at hindi ko na makita yang pagmumukha mo!"

"Itong pagmumukha kong napakagwapo haha"

Psh! Yabang talaga neto!

"Alam mo kahit pogi ka dapat nagpapahumble ka kahit minsan okay?"

"Yieee. Kinikilig si ako! Iba feeling pag ikaw nagsabi na pogi ako haha"

"Bahala kang kiligin dyan loko-loko!"

At ayun! Tinakbuhan ko sya at dire-diretsong pumasok sa office ni Xander

Syempre sinarado ko yung pinto para hindi ako masundan nung playboy na yun muhahaha

Kaso wala si Xander sa loob

Umupo na lang ako,
aantayin ko na lang sya

Habang nakaupo ako, may nakita akong picture sa desk nya na kumuha ng atensyon ko

Picture ng isang magandang babae...

Teka!

Parang tanda ko kung sino sya?

Ah! Sya yung babae!

Sya yung babaeng nagreject sa proposal ni Xander

"Alam mo, baliw kang babae ka, bat mo sinaktan si Xander?"

Magdradrama na sana ako ng marinig kong bumukas yung pinto

"Huy baliw! Wag mong kausapin yang picture! Haha"

Si Xander ang pumasok

"Ay sarreh! Tinetesting ko lang kung sasagot ba, malay mo di ba? Haha"

"Nakakalimutan ko laging alisin tong picture na to sa desk ko"
- Xander

"Sus! Wag mo ng alisin! Ang ganda kaya nya"

Hindi sya nakinig! Inalis na nya yung picture sa frame at tinapon ito

"Okay ka lang?"
Para syang naiiyak

"Oo okay lang ako, you know what, let's start the interview"

"Okay sige"

***

Sa wakas natapos na yung interview! Wala na kong problema! Yehet!

Sobrang seryoso nga kanina e

Okay lang kaya sya?

Pag alis ko ang tahimik nya

Hindi ko na sya kinulit pa dahil parang gusto nyang mapag isa

Sana hindi na sya masyadong masaktan dahil sa babaeng yun, wish ko lang makamove on na agad sya

Naglalakad ako nang biglang may Posteng humarang sa harap ko

"Ikaw na naman!"

"Tapos na interview mo kay Kuya?"

Ayaw talagang akong tantanan nang mokong na to e!

"Oo! Kaya... Yehet! Hindi na kita makikita! Hahahaha!"

"Tinakbuhan mo pa ko kanina ah! Pasalamat ka may gagawin ako nun kaya hindi na kita nasundan! Oh sya! Ililibre kita dahil good job ka sa work hahaha" - Spencer

Bat parehas silang gusto akong ilibre? Haha

"Hilig mo talaga akong patripan noh?"

"Sige bahala ka! Ang sarap pa naman ng spaghetti, burger, french fries, pizza at yung favorite mong bubble tea muhahaha" - Spencer

"Oy! Pano mo nalaman mga favorites ko?!"

"Secret! Ano sama kana? Sasama na yan!"

"Ayoko pa din che!"

"Sa ayaw mo o sa gusto mo sasama ka, kikidnapin na kita muwahahaha"

At bigla nya kong binuhat ng
bridal style!

Waaaaa!! Nakakahiya to! Gumagawa ng scene tong si Spencer e! Pinagtitinginan na kami ng mga tao!

"Oy! Ibaba mo kong loko-loko ka!"

"A-YO-KO muwahahaha"
Baliw ata talaga to!

"Oo na! Oo na! Sasama na ko!"

"Ang dali mo naman palang kausap e! Pero gusto mo wag muna kitang ibaba, bubuhatin na kita hanggang makarating tayo sa pupuntahan natin haha"

"Kakagatin ko yang tenga mo pag hindi mo pa ko binaba sinasabi ko sayo!"

"Haha sige nga, ibaba na kita wahahahaha"  - Spencer

Buti binaba na ko, may mga audience na kami e

"Ang KJ mo talaga! Kinikilig na yung mga audience natin oh" - Spencer

"Oo! Girlfriend ko sya! Tanda nyo yan ah!" - Spencer

Hala ka! Ano tong sinisigaw nya?!

Hindi na ko nakapagpigil at sinipa ko sya sa binti nya!

"Araaaaaay!"
- Spencer

"Ayan! Hahaha!"

"Ganyan po sya mag "I love you" sakin! Kakaiba di ba lolo?"
Kinausap pa yung lolo na nanonood samin haha

"I love you too hahaha"
- Spencer

"Miss! Ang swerte mo dito kay Hijo, mukhang labs na labs ka" - yung lolo

"Ah e oo nga po e hehe"
Nakakahiya na kaya sinasakyan ko na lang

Pagtingin ko kay Spencer,
tuwang-tuwa naman haha

Hinila ko na sya papaalis sa lugar na yun

Yung mga tao tinitignan pa din kami habang paalis kami, baliw kasi tong kasama ko e

"Alam mo ikaw kung ano-ano ginagawa mo! May pa-eksena ka pa! Akala ko playboy ka? Para kang takas sa mental hospital! Tapos ano ngayon hindi ka sumasag---"

Nilingon ko sya at natigil ako sa pagsasalita ko...

Hindi ko namalayan kamay pala nya ang hawak hawak ko

Nakatingin sya sa mga kamay namin at nakangiti...

Bibitaw na sana ako dahil nahihiya ako kaso hinigpitan nya lalo ang hawak sa kamay ko...

****

Hindi pa din ba nakakamove on si Xander?

Si Spencer ang sweeeeaaaat! <3
Kenekeleg ako sa kanyaaa! XD

Mistakenly But Surely In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon