Page 1: The Proposal

75 6 0
                                    

PROLOGUE

Oo, nagkamali ako

Oo, nagmadali ako

Oo, nagkataon lang to

Pero...

Itong pagkakamali pala na to ang maghahatid sa kin sayo

Para maging tayo.

Para maging masaya ako ng totoo.

Para mahalin mo ko.

Para mahalin din kita.

Para mahalin natin ang isa't isa.

***

Page 1: Proposal

Nasa isang restaurant kami ngayon ng girlfriend ko. Plano ko ng magpropose sa kanya. Mahal ko sya kaya gusto ko ng mag settle down, two years na kami. Pero sana ganoon din ang nararamdaman nya...

"Ahhmm... Megan..."

"Yes Babe?"

"Ahmm... May gusto sana akong sabihin sayo"

"Ano yun Xander?"

Kinuha ko na yung diamond ring na nasa bulsa ko

Binuksan ko na yung case

Kinakabahan ako ng sobra

Kailangan ko na ba talagang ituloy to?

Paano kung hindi sya umoo?

Sige na.
Nandito na ko e.

Napapikit na lang ako, lumuhod at sinabing...

"Will you marry me?"

Nakapikit pa din ako at nag aantay ng reaksyon

Speechless ba sya?

Umiiyak ba sya?

Ano kayang isasagot nya?

Hanggang sa narinig kong may sumigaw

"Ano Xander?! Eto ba ang gusto mong aminin?! Eto ang gusto mong makita ko ha?!"

Teka! bakit galit si Megan?

Pagdilat ko, may babaeng nakatayo sa harap ko at gulat na gulat yung itsura nya

"So gusto mong makita ko ang pagpropropose mo sa ibang babae ganoon ba?!"

Galit at sumisigaw na si Megan at pinag titinginan na kami ng mga tao dito sa restaurant

"Teka Megan, nagkakamali ka ng akala na---"

Umalis na sya at nagwalk out

Gusto ko na agad syang habulin kaso kailangan ko munang mag apologize sa babaeng nadamay

Nilapitan ko yung babae, grabe in-shock pa din sya

"Miss pasensya kana"

"Aaa--hh o--o--okay l-ang"

Sagot nung babae na nauutal pa

"Sige Miss, una na ko, pasensya kana talaga ah"

Kailangan ko pang habulin si Megan

"Megan! Megan! Sandali lang naman!"

Hinahabol ko pa din sya hanggang sa nakasakay na sya ng taxi.

***

Nandito na ko sa bahay namin, depressed for sure. Nakailang text at tawag na ko kay Megan pero wala kahit isang sagot

"Ano? Hindi naging successful noh?"

Eto na naman tong kapatid ko

"Pwede ba Spencer! Huwag mo muna akong guluhin!"

"Easy Bro, nagtatanong lang e haha"

Ewan. Ikwekwento ko na lang sa kanya para namahimik

"Okay. Hindi naging successful e. May nangyaring hindi inaasahan e"
"Sabi na haha" Nakangisi pa din mukha nya

"Hindi ko na alam gagawin ko"

"Siguro sa sobrang kaba mo, nakapikit ka habang nagproropose at hula ko, sa ibang babae ka nagkapagpropose haha"

"Ano?! Paano mo nalaman?!"

"Di nga?! Yun talaga ang nangyari?!" Gulat nyang sabi, akalain mo hula nya lang talaga yun

"Oo yun talaga ang nangyari, ang galing mo talagang magpredict"

"Grabe Kuya! Seryoso?! Hula ko lang na yun ang mangyayari base sa pagkakakilala ko sayo pero as in yun talaga? Laughtrip! Magtayo na kaya ako ng pwesto sa Quiapo sabay hawak ng bolang crystal? Haha"

Ang g*go tuwang tuwa naman

"Ang galing mo talaga! Okay na? Satisfied ka na? Sabihin mo kung ano na ang kailangan kong gawain para ayusin to"

"Okay. Sasabihin ko sayo dahil masyado mo kong pinasaya ngayon Bro haha"

"Sige na, tama na ang tawa at bilisan mo!"

Ewan ko ba kung bakit kahit mas matanda ako sa kanya e mas madami syang alam sa mga ganitong bagay

Siguro dahil playboy tong lokong to haha

"Ganito lang yan, since sinubukan mo na syang habulin, mag relax ka muna ngayon, huwag mo muna syang kulitin, hayaan mo muna syang makapag isip. Pag nakapag isip na sya, sya na mismo ang tatawag sayo para mag explain ka sa nangyari"

Naging seryoso na din sya at di ba may sense na yung sinabi nya?!

*brzz brzz brzz*

Nagvibrate yung cellphone ko

*Calling: Babe*

"Oh ayan na nga ba ang sinasabi ko kuya e! Di ba tumatawag na sya!"

"Oo kaya wag kang maingay dyan!"
As usual, tama na naman ang kapatid ko, nung tumahimik na sya, sinagot ko na yung tawag

"Xander, pwede ba tayong mag usap? Doon sa usual park"

"O sige"

***

Nag-eenjoy ako sa pagsulat ng story na to. Bagay kasi kay Kai at Sehun yung role na naisip ko xD

Mistakenly But Surely In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon