"Kainis yong Jill na yon. Namimiss ko na siya. Text mo naman ako pag dumaan siya Voc ha?"

"Ou sige."

"Promise mo yan ha?"

Tumango ulit ako.

Umalis na siya kaya bumalik ulit ako ng sala at naggitara ulit.

Hindi pa umiinit yong pwet ko dito sa upuan may kumakatok na naman?

Hay baka si Pam lang ulit.

"Wendz!!!!!"

Nagulat ako pagbukas ko.

Si Jill!

"Anong ginagawa mo dito di ba may pasok ka?"

"Yup pero umabsent ako eh."

Naningkit yong mata ko. Kelan pa siya natutong umabsent para lang pumunta rito!

"Wendz wag kang magagalit"

Ang totoo hindi naman ako galit. Kahit papano natutuwa ako andito siya. Ayoko mang aminin pero pag may kumakatok umaasa ako na siya yon.

"Hindi ako galit" sabi ko.

"Talaga?"

"Hindi nga, basta wag mo ng uulitin ha?" Tumango siya saka bigla ba naman akong niyakap ng mahigpit saka humalik sa pisngi ko. 

Natatawa ako sa batang to. Pero ang cute ng porma niya ngayon ha.

"Wendz may kasama pala ako."

"Sino? Si Anne? Bat di mo na papuntahin dito?"

Napansin ko iba yong dala niyang sasakyan kulay puti.

Napakunot noo ako nong umiling siya.

"Hay naku wag mong sabihin si Jean? Eh di papuntahin mo na nga rito."

Umiling ulit siya.

Sabay pa kaming napalingon nong may bumabang babae sa sasakyan.

Sino kaya yon? Matangkad na maputi. May isa pang bumaba lalake.

Hay! Malayo pa man din namumukhaan ko na.

"Jillian!"

Biglang uminit yong ulo ko nong makita ko kung sino yong bumaba.

"Wendz wag kang magagalit please? Gusto ka nilang makita at makausap."

Hindi ako umimik. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita niya sa mukha ko yong galit na nararamdaman ko.

Gusto kong umiyak dahil sa nararamdaman kong galit sa taong palapit ngayon sa amin.

"Wendz mahal na mahal kita ganon din si Dad sayo." sabi niya habang hawak ng mahigpit yong kamay ko.

Hindi ako umimik.

"Wendz hanggang kailan mo ba balak kimkimin yang galit sa puso mo? Ikaw na din nagsabi sakin non na matuto akong magpatawad."

"Jill iba naman yon. Simpleng awayan niyo lang ni Anne yon, iba yong sitwasyon ko." hindi ko napigil yong emosyon ko.

Palapit na sila sa amin.

"Kailangan ba nating sukatin ang kasalan bago tayo magpatawad? Wendz tumatanda na rin si Dad at alam kong gusto ka din niyang makasama."

Imposible yon. Hinding hindi ko magagawang pakisamahan ang taong dahilan kung bakit nawala ang Nanay ko.

"Jill please paalisin mo na sila?" pakiusap ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin.

"Hay! Wag ka ngang sumimangot!" sabi ko ulit. Kung bakit naman kasi...hay!

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora