STEP NUMBER 5

Start bij het begin
                                    

Tumango siya.

"Kami rin ni Cha-cha kaya sabay nalang tayo."

Hindi siya nagsalita, so meaning Oo na iyon. At isa pa close friend na kami ni Starf ngayon. Close friend lang muna kami ngayon, diba sabi nga nila Friendship is the start. Alangan naman na maging kami agad diba? Baka ma admit na talaga ako kung ganun ang mangyari.

"Aaaaaaayyy!"  napasigaw ako. Kay lambot ng dibdib at tapos ang bango pa! Napa sandal ako ngayon sa dibdib ni Starf dahil dali-dali niya akong hinila ng may isang estudyanteng bigla nalang lumitaw at muntik na akong matama-an.

"Sorry miss ha"  sabi ng isang estudyanteng may hawak na skate board.

"Aahm okay lang... -at salamat."

"Ha?!"  tumaas ang boses ng lalaki.

Humiwalay na ako sa pagka sandal sa katawan ni Starf. Napa tingin ako sa kanya ngunit hindi siya naka tingin sa akin. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagtataka ng tiningnan ko siya. Ngumiti ako.

"I mean, thank you dahil hindi mo ako natamaan at wag ka namang mag skate board dito, delekado kaya."

"Thank you at hindi ka galit miss. Sorry talaga ha. Bye"  nagsimula siya ulit umapak sa skate board niya. Kasasabi ko lang na wag mag skate board dito eh.

"Thank you nga pala Starf ha, close friend nga talaga kita"  hinawakan ko ang siko niya. Ay! Ang FC!!!

"Close friend na pala kayo frets?!"  nabigla ako sa pasigaw na sabi ni Cha-cha sa likuran ko. Inalis ko ang kamay at tumingin sa kanya.

"OO close friend na kami ni Starf, diba Starf?"

-Ops! Wala na siya sa kinatatayuan niya. Tumingin akosa harapan. Ayun, na una na pala siyang maglakad.

"Assuming ka naman frets, alam ba niyang close friend mo siya o ikaw lang ang nakakaalam?"

"Frets tinanggap niya ang kamay ko ng nakikipag kamayan ako sa kanya kagabi. Hindi mo ba alam na close friend na kami 'OFFICIALLY'?"

"Pumayag ba talaga siya?"  kumunot ang noo ni Cha-cha.

"Tinanggap nga niya yung kamay ko. Eto kaya yung Step 5!"

"Talaga? My God! Ang taray talaga ng frets ko! Ang haba ng hair. So anong plano natin ngayon ha?" naka  pamaywang siya.

"Syempre dapat talaga OFFICIAL iyon. At para mangyari iyon, aabot ata ng isang linggo?"

"Isang buwan." agad na sabi niya.

"Ay subra naman yan frets."  umirap ako.

"Dapat kasi patagalin pa frets para grabi yung impak! Ganito kasi yan sa subrang close nyo na, na para bang pinagdikit na kayo ng pinag halong Mighty Band, Buldog, at Rugby ang hirap nyong paghiwalayin. Mas matagal mas mahaba ang bonding at mas titibay ang relasyon."

"Oo nga frets nuh, ang galing mo talaga."

Tumingin ako sa harapan. Di ko na nakikita si Starf at nagsimula na rin kaming maglakad. Baka ma late pa kami sa panghapon naming subject. May point din naman si Cha-cha sa sinabi niya. So meaning medyo matatagalan pa ang susunod na step, pero yung mga susunod na step ay pwede rin namang gawin habang hindi ko pa talaga ma sasabing successful na ito. Nasa process din nga yung step 4 eh, kailangan ko pang mas kaibiganin yung mga close friends ni Starf. Kaso medyo ma hihirapan talaga ako neto dahil pilit nila akong tinutulak kay Fritz. Pero baka sa nang yari kahapon ay magbabago ang takbo ng lahat.

"Teka lang frets."  may naalala ako. Huminto rin si Cha-cha sa paglalakad.

"Bakit frets?"

"Narinig kaya ni Starf yung pinag-uusapan natin kanina duon sa may field?"

"Biba na tutulog siya nung nakita mo?"

"Baka nagtulog-tulogan lang 'yon."

"Pero kung narinig man niya, mas matutuwa siya frets dahil subrang love mo siya."

"Oo tama nga naman."  may saya akong naramdaman.

"Teka lang frets?!" pasigaw na sabi ni Cha-cha.

"Gaya-gaya frets?"

"Bakit si Starf lang kanina? bakit hindi niya kasama si Fritz?"

"Hala?!"

"Nag-away sila?!"  sabay naming sigaw.

_____STARF's POV:

Maaga akong dumating sa classroom. Pagkapasok ko sa room ay nakita kong naka tayo si Fritz sa may bintana, naka tingin sa labas. Tinabihan ko siya.

"Fritz"  naka tingin lang din ako sa labas.

"Kailangan mo ba talagang gawin yun Starf?"  kalma lang ang boses niya.

"Hindi ko rin gusto ang ginawa ko. Wala na akong na isip pa."

"Pero kailangan mo talagang halikan si Monica?"

"Fritz -"

"Biba sinabi ko naman sayo ang lahat hindi ba? Gusto ko siya at alam mo yun!"  tiningnan niya ako.

"Sorry"

"Nagseselos ako Starf. Sinira mo ang kasiyahan ng birthday ko" humarap na siya sa akin. Humarap na rin ako. Sa mukha na niya ngayon ay galit na galit na siya.

"Look Fritz, I will do everything to fix this."

"Dapat lang Starf! And now help me to win Monica's heart."

Na iwan akong naka tayo roon. Tiningnan ko siyang papalabas ng room at napansin kong naka tingin din sa akin ang iba kong classmate. 

*Sigh. Kailangan kong gawin to.

TO be Continue:

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Comment-comment lang guys ;)) Thank you talaga sa pagsunod sa story kong ito. Maraming salamat and GodbLess.

 

St3veN

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu