Yun nga… hininto ni Nathan sa tapat ng bahay ni judge. Tsk.. excited na excited lang tong si Anghel.. pagkatuloy nila direcho si Anghel sa office ni judge.. me pag uusapan lang ata..
“Zarren, sure kana ba jan. Pwede ka naman mag-isip isip muna eh.” Yanskie, di lang malaman kung anong drama.. inggit lang ba o ano? Hehe
“Zarren, ako ang iyong konsensya.. sundin mo ang nararamdaman mo. Wag ka makinig sa mga bad spirits sa paligid.”-Nathan
“Zarren, tandaan mo, pag pumayag ka, wala ng atrasan yan. Siguraduhin mo munang si Anghel na nga talaga..”-Yanskie, sa tonong angel. Hehe
“Hipag, ikaw din baka pag di mo pa pinakasalan si utol, magbago pa isip nyan. Makahanap pa ng iba.. tsk.” Sama lang talaga ng tingin ke Yanskie oh.
“Zarren-“
“Tama na nga kayo jan. Nakapagdecide na ko.. Yanskie, ok na ko.. Salamat sa concern pero tutuloy ko to..”- yun.. natahimik lang si Yanskie. Nagbelat sign pa si Nathan oh.
“Nung problema mo, bat bigla mong sinusuhulan si Zarren na wag muna magpakasal ha? Baka naiinggit ka lang. Oh di kaya tama ang hinala kong may gusto ka kay utol noh?”-Nathan hinila pa talaga nya si yanskie palayo oh. Kulang nalang sabihin ni Yanskie na,, aray nasasaktan ako, anubah. Hehe
“Unggoy ka! Wala naman sa plano ko to ah.. Biglaan. Malay mo nadadala lang si Zarren sa sitwasyon. Dapat mag isip isip muna sya noh. At isa pa, pano anniversary nila ah sabay kila James at Fate. Tsk adik naman oh. “
“Yun ba iniisip mo? Grabe naman sa pag connect oh. Tsk, Paki ba natin dun ah. So what kung sabay. Eh yun eh. Destiny nila yun eh. Sino tayo para humadlang sa kapalaran.” –waaah madam auring kaw ba yan?
“Yuck. Badudels ka talaga. Anlaki mong mama tas ganyan ka pagsalita..Me destiny ka pang nalalaman.. tsk.”
“Hay nako, yaan mo na nga. Malalaki na yang mga yan. Wag kang mag alala ihahanap kita ng boyfriend bukas na bukas din.. Para naman maranasan mo rin ang nararanasan ngayon ng kaibigan mo.. Hehe. Madami naman akong kilala jan eh.”
“Talaga? Sige ba.. hehe. Oh tara na tawag na tayo ni Anghel.. Come on!”-Waaah, bilis ng switching ng bruha.. tae lang.. tsk. Eh bakit ba, umoovertime na ang dalawang ikakasal eh..
(Nathan’s pov) Baliw! Lukaret ka!!
Pagkapasok na pagkapasok palang hinawakan na agad ni Anghel ang kamay ni Zarren. Parang ina assure ba sya na wag mag alala.. tsk.. Halata kasi ke Zarren na kinakabahan eh. Pano nahalata? Eh me jabar eh.. hehe ..Pero syempre bago sila magpirmahan eh may mga salitang binitiwan si Anghel sa kanyang minamahal..
“Zarren… Nasabi ko na ba sayong hindi ako liligaya ng wala ka? (Weh? Nakakainis ang mga gantong linya tsk) Hay…Ang tagal kong pinagdasal to, na makasama ka habangbuhay. Tsk. Corny talaga pero kaw lang nakapagbago sakin eh.. Kung ano ko sayo ngayon, ganon parin hanggang pagtanda natin.. At isa pa binigyan mo ko ng inspirasyon para magseryoso sa buhay..“ tsk gumaganon pa eh..teary eye tuloy yung isa jan.
“Nu ba yan, kelangan talaga mey ganong ka sweetan? Hehe.. Seriously, gusto ko rin sanang sabihin ang mga yan, naunahan mo lang ako.. hehe.. thank you mahal ko.. Ikaw lang rin naman ang gusto kong makasama forever, gang pagtanda tayo pa rin..at.. hmmm, kakagatin pa rin kita kahit wala na kong ipin. Hehe”-tumalsik pa laway oh.. tsk
“Waaaah, mukhang masaya yun ah..Ako naman, pag gising mo sa umaga, ako na mismo ang magpupunas ng panis na laway mo.. Ang sweet ko diba? Hihi.. “
“Haha, para ka talagang ewan.. Ako.. hhm ano ba, ako nalang tagabili mo ng briefs. Tutal alam ko na naman ang size eh.. hehe.” –oh oh Zarren, ang bunganga mo nanaman.. tsk.. pasensya na kayo ha, tutal eh patapos na naman ang book2 kaya nilalabas ko na talaga ang tunay na kulay ni Zarren Balabis.. Hahaha!
BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 22:ang makulit na pagtatapos..bow
Magsimula sa umpisa
