Waaaah! Anong nangyari, bakit parang wala akong maalala? Tsk, nu ba yan, may nangyari ba samin ni Anghel???Waaaah, nakita nya ba ang maladyosa kong katawan? waaaah, hindi ko to matatanggap.. . waaaaah shockers!..bakit, anong nagawa kong mali? shocks...Oh hindeeeee!!!! (plastik)andaya..badtrip lang wala ako sa katinuan nun. Sana manlang maalala ko para lang feel na feel. Nyahaha!!.-Zarren habang nagshoshower sa banyo ni Anghel..
Putek Zarren kala ko pa naman concern ka sa sarili mo. Yun pala gusto mo lang maramdaman ang bawat haplos nya. Bwahaha! Feeling luge kapa nyan ha kasi wala kang malay... Tsk, malala ka na talaga..Tinalo mo pa ang imahinasyon ni Fate ng buk1. Grabe na to..
Ayun. Mejo hilo parin si Zarren pero nung pagkaligo nya ay parang nahimasmasan na sya. Pinuno nya ng isipin ang utak nya. Yung mga bala nya kay ANghel pag tumirada nanaman ng pang-aasar. Syempre naman alam nyang walang nangyari. Sa lagay ba namang naka pants pa sya eh. diba.. oh cmon mamon. Nagmamaang maangan lang sya para mas maging masaya. Yan ang tinatawag na malisya moves. Pamatay tip sa inyo ni Zarren. Nyahaha, ibang klase talagang pumaraan eh noh. Feeling inocente pa.. tsk
Yon nga paglabas nya ng banyo.. Wala si ANghel.
Ispat sa kwarto, wala, sa sala, sa kusina, wala din.
Ispat sa duyan sa labas.. andun. pachill chill sa duyan ah.. hehe. Hanggang sa lumapit si Zarren nang tahimik..
Di namalayan ni Anghel kasi nakapikit..Pero naamoy nya, bagong ligo eh. hay.
"Uwi na ko.."-mahinang sabi ni Zarren. Weh, if i know papapigil ka lang eh.
"Waaah, anjan ka pala inaantok pa kasi ako.. Haaah!!! (hikab).
"Inaantok ka pa nyan eh ang himbing nga ng tulog mo." -Zarren habang nakapamewang.
"Nyahaha, hui ka! ibig sabihin nagising ka na nun at nakita mong mahimbing ang tulog ko? at hinayaan mo lang akong akapin ka?? OHMG Zarren, siguro sinamantala mong tulog ako noh. Yumakap ka rin noh?Aminin..Lupet. kaya pala.."
(Zarren'spov) shocks! andulas naman ng dila ko oh.. hala..binuking ko sarili ko ah.Badtrip..
"Kaya pala ano ha? Mukha mo! Nasabi ko lang na nahimbing ka kasi nga nauna ako ng gising sayo diba, pero konti lang."-defensive namumula na.. hihi
Nakangiti si Anghel. "OHtalaga? weh?kaya pala may parang umakap sakin.. kala ko naaalimpungatan lang ako, ikaw pala yun! Bwahaha! Sabi ko na nga ba may lihim kang pagtingin eh.. Ok lang yan. Approachable naman ako eh.. Wag ka na mahiya babes"
"Kapal mu talaga!! Makauwi na nga." Uy nu ba yan, tinawag nanaman nya kong babes.. wahehe
"Wait lang. Ano, magbreakfast muna tayo.."
"Di na."
"Oy oy oy, nga pala kakabunot mo lang ng ngipin ah, may tahi pa yan tapos naglasing ka pa kagabi.. Bakit ka nga pala naglasing?"-si Anghel to, sino ba pa? tsk,
"Paki mo ba? Dinamayan ko lang si Scarlet kasi broken hearted yun kay Clark."
"Ah, kala ko pa naman dahil sakin..Hay,"
(Zarren'spov) Oo na dahil sayo.. May paakbay-akbay kapa dun sa girl. Tatamaan kana talaga sakin eh.
"Asa ka naman. Bakit ako maglalasing dahil sayo?Bakit?"
"Dahil crush mo ko. At kagabi lumevel up ang pagkacrush mo sakin.. Mahal mo na ko."---Anghel, serious mode..
Patda si Zarren. (weh, anong meaning ng patda?-Ewan nabasa ko lang din yan sa paketbuk, ginaya ko lang. nyahaha)
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
