Chapter 14- *DECLINE*

100 16 4
                                    

*SULLI'S POV* 

Ano ba yan? Kanina pa ako paikot-ikot dito hindi ko pa din nakikita yang si Kwon Jiyong. Nasan na ba kasi sya? Pinapahirapan talaga ako ng lalakeng yan eh.  Gusto ko syang kausapin para sa plano na naisip ko. Plano na namagpapabagsak kay Suzy Bae.

"Hoy! Nakita nyo ba si Jiyong?" tanong ko kila jhope. Baka naman kasi alam nila diba? Magbebestfriend yang mga yan eh.

"Bakit mo sa amin hinahanap? Body guards nya ba kami?" pambabara sakin nung mukhang kabayo. Hambalusin ko sya eh.

"Hindi. Pero mukha kayong body guards nya talaga. Nasan na nga kasi sya?" tinaasan ko sila ng kilay. Tss. Bakit ba ako nakikipag-usap dito? Mga tanga naman 'toh eh.

"Mukha ba kaming lost and found dito? Hanapan ng mga nawawala?" tanong naman ni malaking ilong at sabay ngumisi tsk. Pasalamat sya cute sya eh. Nakakapagpigil pa ako.

"Yung ilong mo yung mukhang lost and found bwiset!" sabi ko sabay walk-out narinig ko naman silang tumatawa. Psh. Mga baliw!

Naglakad lakad ulit ako baka sakaling makita ko si kwon dito at hindi naman ako nagkamali. Nandun sya sa tambayan ng tropa nila. Bakit ko nga ba hindi naisip yun kanina?

"Hey Kwon!" bati ko sakanya at tumabi sa kanya sa bench.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman nya ng hindi ako tinitignan. Wow! Cold treatment.

"Anong problema mo?" tanong ko naman pabalik sakanya at hinihimas-himas yung likod nya.

"Wala kana dun." sagot nya at tinanggal at tinanggal nya yung kamay ko sa likod nya. Tss. Arte naman.

"Well, I will be straight to the point. Nandito ako kasi gusto kong magpatulong sayo." sabi ko sakanya at tumingin sya sakin na nakakunot ang noo.

"Gusto kong tulungan moko sa plano ko. Alam ko naman na may gusto ka kay Suzy. Kaya magtulungan tayo." dagdag ko pa. Iniwas din naman nya ang tingin sakin. Halata ka kwon tsss.

"Anong pinagsasabi mo? Walang kwenta." magpapalusot pa eh. Halata naman.

"Admit it. Mahal mo si Suzy diba? Hindi mo maamin kasi may Soohyun na sya at torpe ka!" prangka kong sabi sakanya. Totoo naman kasi. Walang mali sa sinabi ko.

"Kung wala kang ibang sasabihin umalis kana." sabi nya

"Mahal ko pa din si Soohyun. Mahal na mahal ko sya. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang kasama si Suzy. Gaya mo nasasaktan din ako ng palihim." sabi ko sabay yumuko.

"Mahal mo pala eh. Bakit mo hiniwalayan?" tanong naman nya sakin.

"Kasi ayaw ni dad kay soohyun. Pinagbantaan ako ni dad na kapag hindi ko hiniwalayan si soohyun sya na mismo gagawa ng paraan para mawala si soohyun sakin. At ayoko naman nun. Alam ko kung anong kayang gawin ni Dad." 

"Bakit hindi mo pinaglaban?"

"Dahil natatakot ako Kwon, Natatakot ako sa posibleng mangyari. Pero nagsisisi na ako. Mali ang ginawa ko. Kaya please tulungan mo ako. Magtulungan tayo. Ilayo mo si Suzy kay Soohyun. Mas better kung maiinlove si Suzy sayo. Make her fall inlove with you Kwon." hinawakan ko namanaman kaagad yung kamay nya. Sana pumayag.

"Nababaliw kana ba? Nagmumukha kang desperada sa ginagawa mo." pagkasabi nya nun ay tinabig nya ang kamay ko. Bwesit! Ang arte

"Si Suzy ang desperada sa amin dito. Siguro naman alam mo yan diba?" nakakainis talaga ako pa talaga ang naging desperada?

The Rebound's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon