CHAPTER 9- *DOUBTS*

95 26 3
                                    


*SOOHYUN'S POV*

Nasan ba si Suzy? Kanina ko pa sya hinahanap eh. Akala ko nag-usap sila ni IU yun pala hindi. Knock-out din 'tong isa eh. Sht! Suzy asan kana? Hinanap ko sya sa garden wala naman sya dun. Sa gym din wala. Oo! Sa rooftop! Baka nandun sya. Agad na akong pumunta sa rooftop. Oo nakita ko dun si Suzy kasama si Jiyong... Magkayakap sila.. Sht! Bakit parang sumisikip yung dibdib ko. Gusto kong manapak bwesit! Bakit sila magkayakap? Putangna naman.

"SUZY!" ma-awtoridad kong tawag sakanya. Agad naman syang napabitiw ng yakap kay jiyong nung makita nya ako. Tss. Naaasar ako.

"S-Soohyun... A-Anong g-ginagawa m-mo d-dito?" nauutal na tanong nya. Sya pa may ganang magtanong sakin nyan matapos nyang makipagyakapan kay jiyong!

.

"Hinahanap kita kanina pa." sagot ko sabay tingin kay jiyong na nakangisi. Nang-aasar ba tong hayop na 'toh ha?

"S-Sorry kung p-pinag-alala k-kita" sabi nya sabay yumuko.

Agad ko na syang hinigit at halata naman sa mukha nya ang gulat pero wala akong pakealam asar ako ngayon. Huminto kami sa likod ng gym.

"Anong ginagawa mo dun sa rooftop?" seryosong tanong ko. Nakayuko lang sya. Fvck! What's wrong with her?

"N-nag-usap nga lang kami ni IU dun." sagot naman nya na hindi tumitingin sakin. Alam kong nagsisinungaling 'toh eh.

"IU? Bakit si Jiyong ang nadatnan ko dun? Magkayakap pa talaga kayo tss." sabi ko sakanya. Pag naiisip ko yun naaasar lang ako shit!

"M-Minsan ba sumagi dyan sa puso at isip mo na mahal mo ako?" tanong nya sabay tingin sakin. Bigla akong kinabahan sa tinanong nya. Kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot. Bahala na.

"A-Anong bang klaseng tanong yan Suzy? T-Tsaka wag mong ibahin yung topic natin dito!" sabi ko sakanya pero nakatingin pa din sya sakin.

"M-Mahal mo ba talaga ako Soohyun?" seryosong tanong nya sakin. Alam kong paiyak na sya kaya agad ko na syang niyakap.

"Kelangan ko pa bang ulit-ulitin sayo na mahal na mahal kita Suzy Bae? I love you girlfie okay?" pagkasabi ko nun sakanya bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit.

"Naniniwala ako sa sinabi mo at masaya ako kasi sayo na mismo nanggaling yan. I love you too Soohyun." sabi nya at bumitaw ng yakap sakin at bigla nya akong hinalikan pero smack lang. Napangiti ako sa ginawa nya. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko ngayon masaya ako.

"Okay kana? Wag ng malungkot pumapanget ka hahaha. Smile na dali." sabi ko sakanya at agad din naman syang ngumiti at kinurot ang pisngi ko. Ang ganda lang talaga ni Suzy pag ngumiti hahaha. Nakakawala ng pagod.

Napatingin ako sa likod ni Suzy parang may tao kasi. Nakita ko si Sulli na malungkot na nakatingin sa amin ni Suzy. Alam kong umiiyak sya gusto ko syang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa kasi nandito si Suzy. Tumakbo naman sya agad paalis.

Nalilito ako sa kinikilos mo Sulli. Mahal mo pa ba ako? Kasi kung oo bakit ka nakipaghiwalay sakin? Ano ba talagang nararamdaman mo? Nababaliw na ako kakaisip.

"Oy soohyun! Anyare sayo? May nakita ka bang multo?" biglang tanong sakin ni Suzy at lumingon sya sa likuran nya para alamin kung sino ang tinitignan ko.

"Huh? Ahh.. Wala. Ano may cute na pusa kasi na dumaan kanina." pagpapalusot ko. Agad naman syang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Tara na. Malelate na tayo sa klase natin." yaya ko sakanya at naglakad na kami papuntang classroom.

The Rebound's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon