Hinubad ko ang sapatos ko at nagmano kay Nanay. Si nanay nalang ang kasama ko sa buhay, nagtatrabaho sya sa maliit na bangko sa bayan at bilang isang single parent, alam ko ang hirap nya na itaguyod ako mag-isa. Kaya nga nag-aaral ako ng mabuti ng sa ganon, makabawas sa tuition na alalahanin pa nya.

"Andun lang ako kila Siera, Nay. Napasarap lang ng kwentuhan kaya ginabi ako. Pasensya na po." Wala akong balak ishare ang hinagpis ni Siera kay nanay. Medyo sensitibo pa naman ito pag usaping love life. Feeling nya pati ako gugustuhin yun. Napanguso ako sa naisip.

"Kumain ka na ba? May tilapia dyan sa mesa, ubusin mo na at ng makapag pahinga ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas."

Tumango nalang ako at dumiretso sa kusina, siya naman ay umaykat na sa taas para matulog dahil maaga pa ang pasok nito sa bangko bukas.

Maaga ko pumasok sa school dahil gusto ko sana na magaral sa ilalim ng puno sa likod ng school bago magklase. Favorite spot ko dito kesa sa library dahil bukod sa wala masyado tao, sariwa pa ang hangin. Mas nakakapagconcentrate ako at narerelax narin. May exam kase kami sa una kong subject kaya gusto ko maghanda.

Napatingin ako sa wrist watch ko, 6am, pero bakit ang ingay na banda sa may gym? Kadalasan wala pa halos estudyante ng gantong oras, kaya nakapagtataka kung bakit may tunog ng bola na galing doon.

Dahil madadaanan ang gym patungo sa likod ng school, naisip kong sumilip at nakita ang isang lalaking nagdidribble habang nagsho-shoot sa ring mukhang nageensayo.

Hindi ko maiwasan hangaan ang likod nito, matangkad, maganda ang pangangatawan, his muscles are evident and his hair is tied in a man bun. Hindi sya pamiliar sakin, not that I am familiar with all the varsity players in our school but there is something in him na feeling ko, hindi sya taga rito.

Naramdaman nya siguro ang panonood ko kaya napabaling sya sakin. Are eyes met at napasinghap ako.

Ang gwapo niya! His gray eyes locked into mine. His lips looked so soft and pink, his jaws looked so manly and his eyebrows arced perfectly.

Papalapit sya sakin ngayon habang nakatayo ako sa entrance. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako or what pero ramdam ko ang panginginig ng tuhod at uneasyness dahil sa mariin na pagkakatitig nya sakin.

"Yes?" He asked. Boses pa lang lalaking lalaki na.

Napakurap ako at di alam ang sasabihin, feeling ko nahuli akong sumisilip sa isang bagay na hindi dapat.

"U-uhm, I was just passing by when I heard the ball. Akala ko kasi kung sino at maaga pa" I said trying to look calm.

He smirked and finally find his way infront of me.

"What's your name?" I can sense that he's being friendly to me, pero di padin mawala ang kaba ko ngayong kausap sya and I felt stupid because I don't know why.

"Emma Eryn Pablo" Not even sure why I even have to say my full name.

"Eryn" ulit nya. His husky voice made me shiver and then he licked his bottom lip while saying my name. Napalunok ako, why does my name sound so sexy ng bigkasin nya ito?

"You can call me Emery. My friends call me that way." Hirit ko. Iba ung dating sakin ng Eryn pagkabigkas nya, nag init tuloy ang pisngi ko sa naisip.

"Eryn sounds better to me. Can I call you that?" He said. Napalunok na naman ako sa pagkakabigkas nya nun, bakit kahit pakiramdam ko pangalan ko naman yun hindi ako masasanay sa tawag nya? Why does it sound so sexy when he call me that way? I'm not sure.

"Ah.. sure" I said.

"Archer" He reached out his hand para makipagkamay.

I accepted it trying to be calm pero binawi ko din agad.

The Player's First LoveWhere stories live. Discover now