Chapter 2

2 0 0
                                    


Tahimik lang ako habang nagdadrive siya. I crossed my arms not wanting to strike a conversation pero deep inside, nagpupuyos talaga ako sa inis.

"San ka?" He said while still driving.

"Tignan mo, di mo naman pala alam!"

He laughed at my reaction. "Kapag di mo sinabi kung saan, sa condo ko ikaw dadalhin".

Namilog ang mata ko na bumaling sakanya. "Hindi ako sasama sayo don!"

He looked at me and smirked "I know you won't. You look like the good girl type. Ihahatid lang kita."

I eyed him in disbelief and continued, "Bakit mo ba to ginagawa? Is it because I kissed you first? Are you waiting for me to apologize for that or what?"

Hindi sya nagsalita pero ngumingiti ngiti sya na mas lalong nagpainis sakin.

"You kissed me back too! Kaya nakaganti ka na, we're even now so you don't have to bother yourself in doing this. Quits na tayo!" I added and this time, napahalakhak na siya.

"You really are something." He said na parang may laman. Anung something pinagsasasabi nito? Totoo naman ah, quits na kami. Anu pa bang gusto nya. As if naman lugi sya, gwapo siya oo pero maganda din naman ako.

I felt like arguing with him is useless kaya umayos nalang ako ng upo at nagsalita. "Kaliwa ka jan tapos dredretso lang, kapag nakalagpas ka na sa palengke doon mo na ako ibaba. Papasok pa banda samin kaya di ka lang din makakalusot. Doon nalang ako sa kanto."

He looked at me as if I'm saying something ridiculous pero di naman nadin sya nagsalita.

Nang nakarating na kami sa kanto ay kinuha ko na ang bag ko sa likod at nagpaalam. "Thank you for the ride. But please, don't do it again."

I was about to open the door when he caught my arm and stop me. "Wait."

I glanced at him. "What?"

He licked his lower lip at nahihiyang kinamot ang batok nya, "Can I have your number?"

Napatigil ako ng ilang sandali at napakurap. "No" I said, medyo naguguluhan at nalilito.

He eyed me a bit as if he doesn't understand why I don't want to. "Would you rather want me to go to your school everyday para sunduin ka to get to know you better? I am serious when I said that" Mahinahon nyang sabi.

I sighed. Mukhang di ito titigil sa pangugulit kung sakali. Too tired to argue, binigay ko nalang. Hindi nalang ako magrereply, atleast pag binigay ko ngayon makakauwi na ako. I fished out my phone in my pocket and gave it to him.

"Lagay mo nalang". He smirked and took my phone.

Habang tinitipa nya ang number nya ay napatitig ako sakanya. His long lashes and expressive brown eyes ang una ko talagang napansin sakanya, then my vision traveled to his pink lips. I gulped. I remember our kiss earlier, napakalambot ng labi nya. My thoughts went back to reality ng tumunog ang cellphone ko.

" I called my number so I'll have yours" sabi nya at inabot na sakin ang cellphone pabalik.

I just nodded then bumaba na ko sa kotse nya. "Bye, see you never."

He chuckled as he watched me turn around at naglakad nako papasok sa amin.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko agad si nanay na naglalaba ng damit. "Ibigay mo na sakin yang damit mo pagkapalit mo ng maisabay ko na sa nilalabhan ko"

I just nodded and entered my room para makapagbihis na. I took a quick shower tapos binigay ko na kay nanay ung pinamasok ko sa school kanina. Gumawa nadin ako ng gawaing bahay, nagsaing, naglinis at nagluto ng ulam para sa aming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Player's First LoveWhere stories live. Discover now