Chapter 30: Batang Alec at batang Ianthe

Start from the beginning
                                    

Napakarami ko kasing pictures mula baby ako hanggang ngayon. Dahil siguro ako ang bunso at sobrang pinangigigilan ako.

But, everything stop when that accident happened. Ngayon, wala na. Ako na lang ang kumukuha ng litrato sa sarili ko.

May nakita akong picture kasama si Mommy. Baby pa ako noon at nakahiga ako sa mga bisig niya. Hawak niya ako sa mga bisig niya at pareho kaming nakangiti.

"Oh my gosh, Ianthe, siya ang Mommy mo?" Gulat na tanong saakin ni Ela. Ipinakita ko naman sa kanilang lahat.

"Yep. She's my Mom." Sagot ko na may ngiti.

"Napakaganda. Hindi halatang may anak na dahil perpekto pa ang hubog ng katawan. Ilan nga ba kayong magkakapatid, Ian?" Tanong ni Maui saakin.

"Five. Three girls and two boys. Kaso ngayon four na lang kami." May lungkot akong naramdaman nang maalala ko nanaman si Ate Arianna.

"Ahhh..ganun ba? Hehe.." Itinuloy na lang nila ang pagtingin ng mga pictures ko. Bawat picture ko ay may kwento si Nanay Celine at Tatay Ruben.

Katabi ko si Alec sa couch at hawak niya ang isang picture ko. Kanina pa niya tinititigan yan habang nakangiti siya.

"Excited na akong makakita ng mini me mo na tumatakbo kung saan-saan. Tapos may mga mini me din ako syempre." Ipinakita niya ang baby picture niya na kinuha pa niya sa wallet niya.

"Siguro kung noon pa tayo nagkita, magkakacrush din si batang Alec kay batang Ianthe. Edi sana noon pa lang nakilala ko na ang babaeng makakasama ko habangbuhay." Nakangiti siya habang nakatingin pa rin sa pictures namin nung bata pa kami.

Nakatitig lang ako sa kanya.

You don't know how deep I fall every time you talk about our future, Alec. Nararamdaman ko yung excitement at ang naguumapaw kong pagmamahal sa kanya. Pakiramdam ko nga ay nalulunod na ako dahil sobra ko na siyang mahal. Isali mo pa ang pagmamahal na ipinaparamdam niya saakin.

Hindi ko na alam kung may maximum pa ba sa nararamdaman ko ngayon. May mas lalala pa ba sa nararamdaman ko? Ito na ba ang pinaka? Or pupwede pang mas lalong mahulog ng pagkalalim-lalim?

Now, I don't know what will my life be without him in it. Hindi ko alam kung ano ngayon ang buhay ko kung hindi ko naisipan tumambay sa Starbucks at mag-edit ng mga pictures nung araw na nakilala ko siya. Ganito kaya ako kasaya? Ganito kaya ako kakumpleto?

"Anong iniisip mo?" Tanong niya saakin at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. Nginitian ko siya at niyakap.

"Thank you... Thank you for coming into my life." Dinig na dinig ko nanaman ang lakas ng tibok ng puso niya. Ito ang favorite music ko. His heart beats. His heart's rhythm.

"You don't have to thank me, Ianthe. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ipagpipilitan ko ang sarili ko para lang makapasok sa buhay mo." Nakangisi niyang sabi. Tumingala ako sa kanya at sakto naman siya yumuko saakin.

Nagkatitigan nanaman kami. Nilalangoy nanaman ng mga mata niya ang kaluluwa ko. Natitigan ko nanaman ang mga mata niyang nagaalab. Ang mga mapupungay niyang mata. Ang mga mata niyang nagsasabi ng nararamdaman niya kahit hindi ito lumabas sa bibig niya.

"Ehem, alis muna kami dito.." Hindi ko pinansin ang barkada dahil nalulunod nanaman ako sa mga mata ni Alec. Sinisisid niya ang mga mata ko habang ganun din ang ginagawa ko sa mga mata niya.

being princess ianthe // knWhere stories live. Discover now