“Kung sabagay. Sige. Punta na ako doon at baka makita pa tayo ni Sir na nagkwekwentuhan, mapagalitan pa tayo.” Sabi nito at bumalik sa pwesto nito kanina.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagpupunas nang mga lamesa. Punas dito, punas doon. Hay grabe! Hirap magpaka-alila. Pero keri lang dahil dito ko nakasalalay ang aking pangarap! TAMA! Kaya konting sikap pa! makakamtam ko din yun.

“PJ!”

Lingon. OH MY GOD! Bakit ako tinatawag nitong Sir Sungit na ito? May nagawa ba akong kasalanan? May nagawa ba akong pagkakamali? Tatanggalin niya na ba ako? Sige. ANG OA KO NA.

“Sir?”

“Sumunod ka sa akin sa office ko.” Sabi niya lang at walang lingon likod na umalis.

Napalunok naman ako. Ayan na. nagsisimula na yung kaba ko. Wala naman akong natatandaan na pagkakamali ah. Napakamot na lang ako nang ulo at sumunod na dito sa office nito. Nang nasa tapat na ako ay kumatok ako nang tatlong beses saka ko binuksan. Nakita ko naman siya na nakaupo sa swivel chair nito.

“S-sir??”

“AH. Nandito ka na pala. Sitdown.”

Umupo naman ako. Jusko. Bakit feeling ko e ang bait nang aura niya? Ganito ata yun e. pag tatanggalin ka na sa trabaho e nagiging mabait ang amo mo sayo. ETO NA BA YUN? Matatanggal na ata talaga ako.

“Ahm.. Do you have an appointment this Saturday?”

“EH? Sir?” Ano daw? Appointment?

“May lakad ka ba ngayong sabado?”

Tinagalog niya lang e. “Sir, alam ko ibig sabihin ng sinabi ko. Ang hindi ko alam ay kung bakit mo tinatanong yan sa akin.” Nakakapagtaka kasi.

Napabuntong hininga ito. “Gusto kong sumama ka sa akin this Saturday sa condo nang kaibigan ko.” Prangkang sabi nito.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare On viuen les histories. Descobreix ara