Chapter Four*

1.7K 34 1
                                    

Chapter Four*

 

PJ’s POV

Kanina ko pa nakikitang iritado si Sir Xander. Oo, alam kong walang araw na hindi siya iritado pero parang iritang-irita siya ngayon e. ALAM NIYO YUN? Nagmemenopause ata ang isang to. Lahat nalang pinagalitan. Pati nga ako na walang kamuwang-muwang sa mundong ibabaw, pinagalitan. Ang ayos ayos naman ng trabaho ko. Wala naman reklamo tong mga customer pero siya puro reklamo.

“Psst.”

Lingon sa gilid. “Bakit?” Tanong ko sa nag-Psst sa akin. Kasamahan ko sa trabaho. Medyo lumapit siya sa akin. Nagma-mop kasi ito ng floor.

“Alam mo ba kung bakit bwisit na bwisit si Sir?” Tanong nito.

“Ha? Hindi ko alam e. ikaw alam mo?” Kalalaking tao, tsismoso. Buti pa ako, hindi masyado. HAHA.

“May pumunta ditong babae kanina. Nasa kitchen ka kasi kaya hindi mo nakita. Ang ganda. Tapos narinig kong magiging kadate daw siya ni Sir sa party ata. Tapos ayaw ni sir. Pinauuwi yung babae. Ayaw niya daw nang masyadong balahura sa damit kung manamit.” Bulong lang ang pagkakasabi nito.

“Maganda talaga yung chix?” tanong ko pa.

“Oo. Super ganda! Ang puti tapos matangkad! Pangmodel!”

Pinagnasaan na ata nang lalaking to yung babae. TSE! Ano naman kung maganda siya, kung maputi siya at kung matangkad siya? HMP! Buti nga sa kaniya. BWAHAHAHA!

“Oh bakit naman nangingiti ka dyan?” Biglang tanong nito sa kaniya.

“Ah wala. Ini-imagine ko lang yung babae. Alam mo naman ang mga bakla, syempre pangarap din naming maging model kahit panty lang.” Medyo pabakla kong sabi. Alam na kasi nila na bakla ako. Sinabi ba naman ng Xander na yan sa lahat. AYAN! LANTAD NA ANG PAGIGING BADING KO.

“Oo nga pala, ahaha. Pumunta ka na kasi sa Thailand. Mura lang magpa-sex change doon.”

“Wala pa nga akong pera, sex change agad? Diba pwedeng ipon muna.”

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang