Pouring rain

Mulai dari awal
                                    


Pumasok ako sa isang subject kahit wala naman Prof namin. He attended an event kaya tatlo lang kaming andito. Yung iba, umuwi na, including Aki. 


Nakaupo lang ako habang nage-edit ng videos. May dalawa akong ka-klaseng babae na andito pero may sarili silang mundo. Sa madaling salita, di nila ako pinapansin. Hindi rin naman ako nagpapa-pansin.

Pinagcompile-compile ko 'yong mga kuha. Hanggang sa tumabi sakin si Joan at Danna. 


"Uy, Mav!"


"Oh"


"Musta ka na--ay, ano 'yan?"


"Kita mo to?" Tumingin ako sakanya at ipinaharap ang laptop ko. Tumango naman siya. Inosente. "Laptop 'to, alam mo ba 'yon?" Pamimilosopo ko kaya ako binatukan ni Joan. 


"Buset ka! Meron din ako niyan! Balibag ko sa face mo, e." Natawa nalang ako sakanya. Napahinto naman silang dalawa. "Oh my, tumatawa ka na pala?" 


"Bakit? Tao rin naman ako, e." Natatae din. 


"Dati kasi hindi ka naman ganyan."


Sasabihin ko sanang, "Dahil to kay Prim, e." Pero wala, di naman siguro nila alam. Ayoko ring ipaalam muna. May ugali kasi ang ibang babae na pinagpapasa ang mga kung ano-ano. Baka bukas pag-gising ko, may balita na.


"Narealize ko lang na di naman pala mahirap tumawa." Sabi ko. Inirapan nila akong pareho. 

"Ewan ko sayo."


Nagpatuloy nalang ako sa page-edit. 5PM kami magkikita, e. Sa parking lot na. Sasakay ko siya tapos punta kaming condo ko. Ingat-ingat rin. Kaumay na kasi dun sa stockroom. Atsaka pa, nagre-reklamo na rin siya. Ang arte kaya 'non.


"Mav, ano 'yan?" Napatingin ako sa tinuro ni Joan. Cellphone ko. May nagtext kaya nakita nila kung sino lock-screen ko. 


Kukunin ko sana 'yon kaso naunahan nila ako. Tinignan nila 'yon at nakita si Prim. 


"Halaaaaa, sabi ko na may something kayo, e!"


"Bakit siya wallpaper mo?"


Kinuha ko 'yon sakanila. "Si Aki naglagay niyan. Pinagtripan lang ako." Palusot ko.


Pareho naman silang napa-"Wehhhh". 


"Bahala kayo." 


"Yung totoo nga!"


Eh "Yun nga kasi yung totoo." Pagdidiinan ko. 


"Hmmmm! Di ako naniniwala!"


LIKE THOSE MOVIESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang