Pambihirang patis na pang-adobo ohhhh. Nandito parin kame sa rooftop. Agnas na agnas na ako sa init. Mga pawis na tumutulo, bumubuhos at rumaragasa sa sahig. Super typhoon lang ang peg.
Wala kayong pakielam sa nararamdaman ko? Hard ahh. Pero ito na, anak ng tokwa.
Nangako ako sa aking sarili na tutulungan ko ang mumu na ito.
Para naman masaya niyang makita si God sa heaven. (Suma'Santino) pero unti unti kong nararamdaman ang word na "possess" The conjuring" lahat ng may kinalaman sa sapi kasama na ang mukha ko. Yun ang nararamdaman ko, Tinanong ko si Ms. Mumu tungkol dito...
"Huy, di mo naman ako sasapian diba? o kaya iaabduct? Ang usapan walang ganyanan." Matino kong sinabi o tinanong kay Ms. Mumu ( Huwaw ah, matino pa ba ako sa lagay kong to? May kausap nga ba talaga ako? May hinihigaan ba talaga ako? Putspa =.= Maski sainyong mga readers wala akong patunay, next time nalang ah? picture kame kahit wala akong kasama sa litrato =.= basta next time ) Nang biglang sinabi ni Ms. Mumu sa akin ang pangalawang misteryo. Mga tsismis nanaman ng mga demonyita kanina sa hallway, Mga tsismosang may krus ang dila at nagkatotoo ang mga bagay-bagay. Hayup.
" Di ko alam kung magkakaroon ako ng urge na sapian kita, pero merong "rumors" na kumakalat na meron daw saan man sa gusaling ito isang babae na nakaseal." Seal seal nanaman, anak ng seal. Bote ba yan? at nakaseal nanaman ang bruha. Pakshit ng orasan na winnie the pooh. May nakita akong nasa salamin tas may tsismis nanaman? Pwede isa-isa lang? Tinanong ko si Ms. Mumu kung siya ba ang tinutukoy sa rumors at sinagot niya naman ito.
"Hindi ko alam. pero kung sakaling hindi, maaaring nagiintay rin to ng makakakita sakanya, kagaya ko iniintay kita. Ang taong makakakita sa akin, tsaka ko ibibigay ang tiwala at resonance ko. Kaya siguro kita nahahawakan" Wow kung sinabi mo na sana yan nuon nagkaroon na ng sense ang lahat kung bakit mo ako nahahawakan.
"Nanaman? Baka naman hindi ako ang iniintay. Baka ikaw, para sabay sabay kayong magparamdam at gawing haggard ang buong gusali. " Napaisip padin ako kung sino nga ba? Itong mga misteryong to.. sabay sabay ba silang namatay? Plague? Toxic? Ano nga ba... Nang biglang may nadinig akong sumigaw at nakita ko ang isang babaeng na pinalilibutan ng dilim at hirap na hirap sa kanyang sitwasyon. Pain, Hatred , Despair at pagiging Depressed ang pagsasagupa nito sa hirap. Anak ng itim na polar bear, panaginip ba to?
"Hindi yun panaginip, reality yun. Ikaw nga ang hanap ng babae." THIS IS SP--- utspa. Problemang malaki nanaman, Ghostbuster nanaman ang trabaho ko dito. Kung ganon dapat ibahin narin ng author ang title. "Keir the Phantom Hunter" =.= Pero, paano kung may alam yung nagpakita sa akin tungkol kay Rhauzen? Pwede.. old school uniform din ang suot nito. Agad-agad akong tumayo at sinabi kay Rhauzen ang aking ideya.
"Ms. Mumu baka may alam si babaeng bote na nakaseal sa gusaling ito tungkol sayo. Tara hanapin natin. " Anak ng tokwa agad-agad siyang pumayag akala ko naman pipigilan niya ako. Umurong ang human rights sa takot. Stunned like hell.
" Ako bahala sayo Keir, tara! *giggles* " Owpink na lizard, kinuha niya nanaman ang aking kamay at hinatak pababa. Nawala ang takot ko. Kunti lang. Mystery... Sino kaya yung babaeng yun? Letse na yan ohhh. Looking for a sealed girl - Keir
