Chapter six!

9.8K 184 10
                                    

AMiEL's Point of view

Nandito ako ngayon sa cafeteria mag isa,ewan kung nasang ang tropa,basta si Kyroo kasama ko at nagpaalam lang syang magba-banyo. Hindi pa ako kumakain,gusto ko kasi sabay kami ni Kyroo.

Para akong tanga na nagsusulat sa likod ng notebook ko at napapangiti. Ganito pala epekto ng inlove. Putsa! Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam,sana hindi ko na noon pinigilan.

AMIEL + KYROO =

KYROO + AMIEL =

AMIEL + KYROO = TOL

KYROO + AMIEL = ROOMIEL

Paulit ulit ko yang sinusulat. Wala lang. Ang sarap tingnan eh. Bagay na bagay haha!

"Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pag ibig." sabi ng isang boses sa likod ko kaya agad kong sinara ang notebook. Pagtingin ko,ang magjowang Ayth at Ruby pala.

"Kahit takpan mo yan,nabasa na namin. Kayo na ba tol?" ani naman ni Ayth at naupo sila sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Secret. Walang clue." ang nang iinis kong sabi.

"Paltok you want? Ayan ang ebidensya sa notebook mo." ani ni Ruby na tinaasan ako ng kilay. Nakakatakot tong babaeng to,ang ganda ganda pero nakakatakot pag nagalit,naalala ko nung winasiwas nya si Myca,napalunok talaga ako nun ng ilang ulit.

"Alam mo tol,may kasabihan,the truth will set you free." nakangising sabi ni Ayth. "Oh,ayan na pala ang iniirog mo na paika ikang maglakad." dagdag nito at tumawa sila ni Ruby. Nasamid ako sa sarili kong laway. Naramdaman ko na lang na may humahagod sa likod ko. Pagtingin ko si Kyroo.

"Ayos ka lang tol? Eto oh tubig." anito at tumabi sa akin. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Tangna,ganito ba talaga yon? Dapat na siguro akong masanay. "Musta Ayth at Ruby? Handa na ba kayo sa acquaintance?" bati nito sa dalawa.

"Ayoko yon pag usapan. So kamusta na? Kayo na ba?" ani Ruby na nagniningning pa ang mga mata.

"Oo,kami na nung isang gabi lang." diretso at nakangiting sagot ni Kyroo. Tiningnan ko sya ng palihim,tapos yung kamay nyang isa na nasa ilalim ay pasimple kong kinuha at pinag intertwine ang mga kamay namin. Tumingin sya sa akin kaya nginitian ko sya at kinindatan,nag blush naman sya. Ang cute pala nya mag blush.

"Define holding hands under the table? Nakakaloka!" napabitaw ako sa boses na iyon sa likod namin,si Pepay pala kasama si Jake. Tumawa naman ng walang humpay ang mga baliw na Ayth at Ruby. Naupo na din sina Jake at Pepay.

"Huwag ka ngang nanggugulat!" ang sita ko dito.

"Anyare? Hindi ka naman ganyan dati brad ah?" nakangising dagdag ni Jake.

"Huwag nyong pinagtutulungan ang tol ko. Nagbago na yan! Diba tol?" ani Kyroo sabay akbay sa akin. Shit! Bakit natatahimik ako? Hindi naman nga ako ganito dati ah.

"Okay. Gets na namin. Lumabas na pala kayo sa mga banga nyo? Dapat mag celebrate tayo." ani Pepay at nagpipindot sa phone. "Itetext ko ang mga bakulaw." dagdag nya.

Bigla akong napaisip habang nag uusap usap kami. Kung si Kyroo at naipapakita na nya ang affection nya sa akin,ganun din dapat ako. Ayoko namang maging unfair sa kanya.

"Hi Javed!" sa gitna ng usapan ay bulalas nina Pepay at Ruby.

"Hi guys! Pwede bang mahiram si Kyroo?" anito. Pero hindi ko sya tinitingnan. Kinalabit ako ni Jake at nginuso si Javed pero tinaasan ko lang sya ng kilay,wala talagang pinapalampas tong isang to,basta makapang inis.

"Oo naman! Basta ibabalik mo din tol." ani Ayth pero sakin nakatingin. Alam talaga nila ang nararamdaman ko,alam nilang nagseselos ako kaya nang iinis sila. Damn!

I Heart You Tol! - HDAB Side story - (BoyXboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now