Chapter three!

9.8K 217 8
                                    

Warning ; SPG

"And before I dissmiss you all,gusto ko lang ipaalam na,next next week na ang acquaintance party,ibibigay ko na lang sa inyo next week ang buong information" ani ng last prof namin at lumabas na ng class room. Ako naman inaantok kaya yumupyop muna ako sa armchair ko. Dinig ko pang niyayaya na ako nina Kellan at Oli pero hindi ko pinansin,bahala na silang pumunta sa mga sinisinta nila. Ako'y antok pa dahil napuyat ako kakaisip dun sa Prein at kay Kyroo. Ang totoo nyan hindi pa din lumalabas ng room si Kyroo pag silip ko,may iniintay siguro.

Napaka obvious na nga na hindi kami masyadong nagpapansinan,at alam kong patay malisya lang ang tropa. Ayos na din siguro to,dahil hanggang ngayon inis pa ako sa kanya,napaka sinungaling nya,ako daw gusto nya pero iba kasama nya? Bahala sya sa buhay nya,magpaka bading na sya,the hell I care.

"Kyroo?! Pasensya na at late ako" ani ng isang boses mula sa pinto ng classroom.

"Javed!" ang masayang outburst ni Kyroo kaya napa angat ako ng tingin. Dali dali itong nilapitan ni Kyroo at may binulong yung lalaki na ikinahagikgik ni Kyroo saka sila umalis.

"Tss! Ang lakas maka sira ng araw,at Javed pala pangalan ng ugok na yon ah? Bakit parang ngayon ko lang sya nakita dito?" ang mahina kong usal at tumayo't lumabas na din. Wala akong balak maiwan mag isa sa room na yon.

Since,may kanya kanya ng partner at agenda ang tropa ay naisipan kong pumunta sa dati naming tambayan,sa ilalim ng punong mangga katabi ng quadrangle.

Pumwesto na ako at humiga,saka ako pumikit,ginawa kong unan ang isa kong kamay. Parang ayaw ko pang umuwi,paulit ulit na lang ang nangyayari sa araw araw. Pero ang nagpapa iba lang dito ay ang sa amin ni Kyroo. Bakit nga ba naiinis ako? Hindi naman dapat,kung ginusto nyang umiwas para mawala ang pagka gusto nya at madivert ito dun sa Javed na yon,bahala sya,hindi ko ikamamatay kung mawala ang pagka gusto nya sa akin,besides,mali iyon at hindi dapat. Ang tanging concern ko lamang ay ang pagkakaibigan namin,syempre nakaka hinayang kung masasayang lang.

Bakit nga ba humantong kami ni Kyroo sa ganito? Simple lang naman kami dati,walang problemang ganito,lahat ng bagay ay nagagawa namin ng magkasama.

"Mukhang wala kang balak umuwi ah?" ani ng isang pamilyar na boses kaya nagmulat ako ng mga mata at umayos ng pwesto.

"Prein? Anong ginagawa mo dito?" ang agad kong tanong.

"May binabalikan akong subject,ang fashion designing,iregular student ako dito" nakangiti nyang sagot. Napangiti na din ako,napaka swerte nya na biniyayaan sya ng magandang mukha.

"Ah ganun ba? Bakit?"

"Balak ko ng mag resign sa Club Ford,naka ipon na din naman ako para maumpisahan ko na ang pagtupad sa totoo kong pangarap,at isa pa nakapag paalam na ako ng maayos kina Madam Eiko at sir Eriol" aniya. Tumayo na ako para makapag kwentuhan kami habang naglalakad papalabas ng campus.

"Maganda yan,parang si Lyle lang" ani ko. Mabuti na lang hindi ako naiilang sa kanya kahit inamin na nyang mahal nya ako nung may mangyari sa amin. Pero bakit kay Kyroo eh iba? Ganun ba talaga yon?

"Madami akong nadinig about Lyle dahil kay Bebeka,napaka swerte nya talaga. Anyway,naubos kasi ang pera ko noon ng magpa sex change sa thailand,kaya ayun,kailangan kong magtrabaho sa Club Ford dahil nga maganda dun at malaki ang sahod"

"Ah.. Wala ako masabe hehe,wala ako makekwento eh,normal lang ang buhay ko" ang natatawa kong sabi. Sa pag gala ng paningin ko sa paligid nakita ko si Kyroo nakatingin sa akin,nagkatitigan kami saglit,and I saw something in his eyes, is he hurt?

Agad akong nagbawi ng tingin,nagpapaalam na pala si Prein,ni hindi ko man lang din namalayan na nandito na kami sa parking. Pagkaalis ni Prein ay muli kong nilingon si Kyroo,inaalalayan na sya nung Javed papasok sa kotse.

I Heart You Tol! - HDAB Side story - (BoyXboy) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant