Isa din sa dahilan kung bakit gusto kong bumisita sa HQ dahil sa mabigat kong pakiramdam. Ramdam ko na para bang may masamang mangyayari. Hindi ko alam kung ano yun pero kailangan kong alamin.

Sana mali ang hinala ko. Sana walang mangyayaring masama. Dahil baka hindi ko kayanin kapag nawalan pa ako ng mahal sa buhay. Nagsuot ako ng loose white shirt na pinatungan ng leather jacket.

Nagsuot din ako ng black na leggings at boots. Inipit ko ang baril ko sa badang baba ng leggings ko at may kunai ako sa may likod just in case. Nagmake up ako ng kaunti.

Lip gloss lang at eye liner. Dapat presentable naman ako at magmukhang cool sa harap ng mga gangsters noh! Wahahaha.

Lumabas na ako ng kwarto at naghihintay na pala sila sa baba. Woo! Hindi namin napansin ang oras at alas siete na pala ng gabi. Ang tagal pala namin kumain at nagkwentuhan kanina ehh.

Bumaba na ako at sinalubong sila.

"All black pala tayo ah! May patay?" Joke bigla ni Matt. Binatukan siya ng lima. "Wag ka nga magbiro ng ganyan!" Saway ni Travis.

Oo, ayaw ko ng ganun na biro. "Kaya tayo all black kasi para cool." Joke ko na lang din para mabawasan ang kaba ko. Lalo kasi atang bumigat ang nararamdaman ko.

"Ah guys inom lang akong tubig bago tayo umalis." Tumango lang sila at dumiretso na ako sa kusina.

Kumuha ako ng baso at tubig. Nanginginig ako sa kaba. Kailan kong kumalma ehh. Umiinom ako ng tubig ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko at manginig pa lalo ang kamay ko dahilan para mahulog ang basong hawak ko at mabasag.

Akala ko sa teleserye lang ganun kapag kabado, totoo pala. Pero anong ipinapahiwatig ng pagkabasag? Sa teleserye, may mangyayaring masama. Hindi kaya? Takte wag naman sana.

Nandito na sila sa kitchen dah sa narinig na pagkabasag.

"O ano bang nangyari?" Tanong ni Jeff na nag-aalala. "Ahh wala. Halika na nga! Mag aalas nuwebe na lang ng gabi hindi pa tayo nakakaalis!" Hindi nila napansin ang kaba ko. Salamat naman.

Sumakay kaming lahat sa kotse at si Travis ulit ang magddrive. "Aishh traffic pa. Miss ko pa naman yung mga ginagawa ko sa HQ." Reklamo ni Matt. Oo, nasa kalagitnaan kami ng traffic na kalsada.

Bwiset bakit ngayon pa?! Bakit talaga?! Gusto kong magmura sa inis pero hindi dapat. Unti-unti na kaming umaabante at nakakaalis sa traffic na kalsada. Lumiko kami sa isang madilim na daanan na shortcut daw papunta doon.

Back gate ang dadaanan namin. Madilim at tahimik ang daanan at mga kuliglig lang ang maririnig mo. Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa HQ.

Tila pakiramdam ko ay napakatagal na ng byahe namin gayong tatlumpung minuto pa lang ang nakakalipas.

Nang malapit na kami sa HQ ay naramdaman ko ang pagpisil ni Dave sa kamay ko at ngumiti.

"Are you alright?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako kahit sa totoo lang ay hindi ako okay.

Huminto na ang kotse sa tapat ng back gate. Tahimik kaming lumabas sa kotse at nakarinig ng mga putok ng bala. Kinabahan ako lalo.

"May naglalaban kaya? Or sa shooting range yun?" Tanong ni Travis.


Oo nga, baka sa shooting range lang yun. Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka nagsimula silang sundan papasok ng gate. Nang makapasok kami ay malamig na hangin ang dumampi sa aking balat.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now