"May honeymoon ba tayo mamaya?" Nagtayuan ang balahibo ko dahil medyo naging husky ang boses niya, at naramdaman ko ang dahan dahang pagtaas baba ng palad niya sa likod ko... Hinampas ko ang dibdib niya dahil pinagtatawanan niya ang reaction ko.

Bigla niyang sinabayan yung kinakanta nung banda sa kasal namin...at hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa iba ang meaning ng kanta para sa akin, napaka pervert nitong asawa ko pati tuloy ang utak ko nababahiran ng kung ano... Isinayaw niya ulit ako ng hindi itinitigil ang paghaplos sa likod ko...

"Ohh...now is the time stars will be bright, our bodies will groove all through the night...Come take my hand then we will fly high...Come on baby hear me say, there'll be no other, we'll share us lovers... Right from the heart, from my mind to your soul I will give it to you KEI...My every little thing, that I'm more than willing, I will give to you..." Nagpatuloy siya sa pagkanta ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko, pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga titig na ibinibigay niya sa akin.

"Loving you is all that I can do...No one can take it away from me, nobody..."

Nagulat kami ng biglang may fire works na pinaputok, napatingala kaming pareho... Nagpalakpakan ang mga bisita namin,napangiti na lang ako dahil nawala sa isip ko na may iba pala kaming kasama ni Kyle dito sa resort... Para kasing dinala niya ako sa malayong lugar kanina nung nilalambing niya ako, para bang siya lang ang may kayang gumawa na maiparamdam sayo na kayong dalawa lang ang tao sa mundo, yung tipong wala kayong pakialam sa kung ano mang sasabihin ng ibang tao sa inyo.

Itinalikod niya ako at niyakap mula sa likuran... Napatingin ako kela Papa na ngiting ngiti na pinapanood kaming dalawa ni Kyle, napaiyak ako ng mabasa ko sa labi ni Mama ang...

"I love you anak..."

"I love you too..." Sagot ko... Mukha namang napansin ni Kyle iyon dahil pinunasan niyang ulit ang luha ko...

___

Pagkatapos ng kasal namin, nilapitan kaagad kami ng parents ng asawa ko...

"Kyle baby..." Maluha luhang tawag ni Tita Sabrina kay Kyle, kaagad niya itong niyakap...

"Love..." Bulong ni Kyle...

"Ang baby ko, may asawa na..."

"Ma naman..." Natatawang bulong ni Kyle...

Niyakap naman ako ng Daddy niya.

"Iha, kapag may problema sakanya sabihin mo lang..." Paninigurado ni Tito Michael, tumango tango ako bilang sagot...

"Thank you po..." Bulong ko.

Napangiti ako ng makita kong isa isang hinalikan ni Kyle ang noo ng mga kapatid niya, pagkatapos niyakap niya ito ng sabay sabay... Napaka-sweet ng asawa ko.

"Wala munang mag aasawa sa inyong apat. Tandaan niyo, kami lang ni Dad ang lalaki sa buhay niyo hangga't wala pa kayo sa tamang edad... Misha, tulungan mo sila Anne sa school nila..." Bilin ni Kyle...

"Kuya naman para namang nagpapaalam ka..." Natatawang sabi ni Anne...

"Hindi naman, iba na ngayon... May asawa na ako hindi na katulad ng dati na isang tawag niyo lang nandiyan na kaagad ako... Mapupuntahan ko pa rin naman kayo, pero syempre priority na ngayon ni Kuya yung asawa niya..."

"Kyle!" Sigaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako.

"Nako iha, ganyan talaga... Itong Daddy kasi ni Kyle ganun sa akin, kaya naman gusto nitong Kyle na ito na ganun din siya sayo..." Nakangiting paliwanag ni Tita Sabrina, pero nakakahiya pa rin hindi ba?

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon