{ 036 }

54 6 5
                                    


▷ ericka

Today iz da deii omighad :O HEHEHE nagpatulong pa talaga ako kay joy magayos bcoz first meeting namin to char lagi ko siyang nakikita noon. Pero nung lumipat na ako kila joy di na masyado since nakakatamad lumabas.

Ang sabi lang sakin ni Jace, 4pm daw dun sa park. 3pm palang nakaayos na aq ehehe ≧﹏≦ wag ka nga atat aq?!?!


"Bes, puta 3:56 na pala alis na akez 10 minuto ko pa naman yun nilalakad kingina bye na omg pasabi nalang kay tita alis na ako ha byeee!" Sabi ko at nakipagbeso sakanya.

Habang naglalakad ako kumakanta lang ako, wala akong pake kung naririnig nila nabiyayaan ako ng boses so shut up sila plz

Nung nakarating ako, 4:06pm palang so maaga pa ako. Pero andun na siya puta pano kumalma? Teka wag kang titingin muna sa direksyon ko plisbdkfidkfk

Nung makaupo ako sa bench syempre napatingin siya ako nakayuko puta puta ayoko na grabe yung kabog ng dibdib ko like parang lalabas na?!?!
Bale nasa magkabilang dulo kami ng bench puta buti puro mga bata lang tao dito huhuhu.

Ang ganda pa ng porma niya huh. Nakalong sleeves na polo kulay blue taz pants huhu simple mang tignan pero anlakas ng dating sakanya ㅠㅠ

"Hi Ericka!" Sabi niya kaya napatingin ako, nakangiti siya muka siyang anghel hanuba?

"Uhhhhhhhh. Hi?" Sabi ko habang nakayuko nahihiya pa ako sa pagmumuka ko. Katulad nga ng sinabi ko, hindi ako maganda.

"Bat ka ba nakayuko? Umayos ka nga ng upo hahahaha" sabi niya at biglang tumabi sakin.

Nagkaron ako ng lakas ng loob para umayos at tignan siya pero grabe hindi ako mapakali sa loob loob ko kahit na ang ayos ko dito.

"May bibigay ako sayo." Sabi niya at may kinuha sa gilid niya, pagkakuha niya binigay niya sakin yung ferrero na chikoletz?!?! Diba mahal to? Lah.

"Hala? Nagabala ka pang bumili nakakahiya wala akong mabibigay sayo ano ba yan sana sinabi mo edi sana prepared me?!?!" Sabi ko at tumawa siya.

"Ok lang, plano ko talagang wag sabihin sayo e." Sabi niya at kinamot yung likod ng ulo niya or yung batok? Luh may kuto ka?! Joke HAHAHAHAHA

Habang tumatagal, nagiging komportable na kami sa isa't isa. Nagbubugbugan, naghahampasan na nga kami HAHAHAHA. Kahit papano naramdaman ko yung mga nararamdaman ng babae kapag kasama nila yung sinasabi nilang 'forever' nila. Luh la forever.

"Jace?" Sabi nung babaeng nasa harapan namin.

Bigla namang lumukot yung muka niya. teka sino ba to? Epal naman naghaharutan kami leche.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni jace ng walang kaemo-emosyon.

"I'm just strolling around here! And then I found you, with your, uhh, yaya?" Sabi niya at napatingin sakin. Tanginang to maka yaya gago.

Pero infairness nasaktan ako.


"Wow, bakit bumalik ka pa casey? Pwede ka na ulit bumalik sa america o kaya sa sinapupunan ng nanay mo mas maganda pa para wala ng katulad mo dito" sabi ni jace at hinila ako para makaalis kami.

"Uh, sino yun?" Tanong ko

"Ex--"

"Girlfriend niya ako." At dun sa linyang yun napatigil ako.

'G-girlfriend? Lul" sabi ko at tumingin sakanya. Akala mo madadali mo ko sa ganyan? Puta, edi wow.

"Wag ka maniwala dyan, assuming yang palakang yan, ex ko lang yan, tarantado yan e tara na yaan mo siya." Sabi niya at hinila na ako para tukuyang makaalis. Naririnig ko pa siyang tinatawag si jace pero si jace dirediretso lang.


"San bahay niyo? hahatid na kita." Sabi niya.

"Seryoso ka? Gabi na oh ihahatid mo pa ako." Sabi ko.

"Ok lang yan, basta ikaw." Sabi niya at kinindatan ako. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko kaya binatukan ko siya. Gago.

"Tusukin ko mata mo eh." Sabi ko.


"So san ka nakatira?" Tanong niya.

"Malamang sa bahay" pambabara ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin hihi omg qt

"Dejoke. Sa bahay ng bestfriend ko, si joy." Sabi ko. At inintay ko na yung tanong niyang isa alam ko na yun.

"Asan mama mo? Kuya mo? Tatay? Ate? Bunso?" Putang to andami.

"Uhm, may problema kami ni mama. Kami lang dalawa sa bahay dati. Pero lagi niya akong pinapagalitan, pinapalo, pinagbibintangan at kung ano ano pa. Wala akong kapatid, at wala akong ideya kung nasan mang lupalop ng mundo tatay ko." Sabi ko at nagpipigil ng luha. Ayoko namang makita niya ako na ganun. Gusto ko maipakitang masaya lang ako.

"Sorry." Sabi niya at yumuko.

"Ok lang ano ka ba hehe. Uy, dito na lang ito na yung bahay e. Sige na salamat ha? Bye!" Sabi ko at tatalikod na sana pero hinigit niya ako at niyakap.

Lul chansing si kuya.

Saglit lang yun tapos bumitaw agad siya at nagpaalam narin siya saka naglakad ng mabilis. Nahiya siguro omg HAHAHAHA.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang naabutan ko si joy na nakapameywang pati na din si tita, aba aba.

"Uy ano yun huh, may yakap pa kayong nalalaman" sabi ni joy habang nakangisi at tinataas baba ang kilay.

"Walang forever!!!" Sabi ni tita kaya natawa kami.

"Ericka, dalaga kana. Parang dati lang naglalaro pa kayo nila joy at muka pa kayong dugyutin, ngayon dalaga kana, dalaga na kayo!" Sabi ni tita at parang naiiyak pa.

"Aish, ma tama na ang drama! Tara na akyat na tayo! Tulugan na!" Sabi ni joy at nagtakbuhan kami pataas.

Nauna silang matulog dahil nagayos pa ako.

Probably, one of the best moments in my life.


[ AOA's Jimin as Casey, mYGHAD HAHAHAHA ]

ericka || jinhwanWhere stories live. Discover now