{ 020 }

46 6 1
                                    


ericka

gabing-gabi na, ngayon ko lang naisipangikwento kay joy lahat ng hinanakit ko, sino nga ba namang tanga hay nako.

Baka nagiintay na sakin si joy sa kanto kaya maingat na din akong bumaba.

nung bubuksan ko na ang pinto, ito na yung kinatakot ko, ang mahuli ako.

"Hoy! Gabing-gabi na maglalakwatsa ka nanaman! San ka pupuntang bata ka?!" Wow, look who's talking. Sino kaya yung laging nasa labas at nagsusugal? Sino kaya yung minamadaling araw na ng uwi? Pinakialaman ko ba siya? Hindi kasi wala naman siyang paki sakin.

"Pwede ba, ma! Tigilan mo na ako? Pati ba naman pagalis ko? Bakit nung umalis ka ba pinapakialaman kita? Wag mo nalang akong pakialaman, tutal ganun naman talaga, wala kang pake sakin." Sabi ko at lalabas na sana ako ng bigla niyang hinatak yung buhok ko.

"Aba't tarantado tong batang to! Sumasagot kana? Anong gusto mo mangyari sa buhay mo?! Wala ka na ngang ginawa kundi magcellphone ng magcellphone! Ipapaputol ko na tong internet-"

"Edi ipaputol mo!!! Punyeta wala akong pake ma! Teka, tama pa bang tawagin kitang mama? Ni hindi mo nga magawa yang mga responsibilidad mo sakin! Ako pa ang nagawa! Ikaw dapat tinatanong ko niyan ma! Anong gusto mo mangyare sa buhay mo?! Magsugal ng magsugal?! Ikaw ang walang ginagawa sa bahay! Lagi ka kasing wala! Tangina naman ma! Pagod na akong intindihin ka! Akala nila masaya ako! Akala nila wala akong problema! Noon ko pa hinahanap yung pagmamahal ng isang ina, pero san ko nakuha? Wala akong nakuha galing sayo. Bahala kana sa buhay mo ma, aalis na ako sa bahay na to. Wag mo na akong pakialaman, wala ka namang pake diba? Bukod sa panget ako, malas pa ako, sabi mo yan diba? Sige, wag na wag mo na akong kakausapin ma." Sabi ko at lumabas na ng tuluyan.

Sana narealize na niya. Parang kumirot yung puso ko. Pero sa tingin ko, tama yung ginawa ko. Sorry ma. Mahal kita pero hindi ko na kaya.

-

"MA!!! ANDITO SI ERICKA!!!" Sigaw ni joy.

"Juskopong mga batang to, gabing gabi na nasa labas pa- anong nangyari sayo ericka? Ok kalang ba? May masakit sayo? Bakit ang gulo ng itsura mo? Magang maga pa mata mo? May nangyare bang masama?" Tanong ni tita edelyn, nanay ni joy.

Hayyy, sarap sa feeling.

Ito yung mga tanong na iniintay ko mula sa nanay ko sa tuwing nasasaktan ako. Pero wala e. Naiyak nalang ako sa harap nila. Hindi ko kayang magsalita. Nahihirapan ako.

Si joy na ang nagkwento kay tita, dahil hindi ako makapagsalita. Sabi naman ni tita, siya na ang bahala sakin pati sa mga gastusin ko.

Sa bahay? Ako ang gumagastos sa kailangan namin e.

"Oh, matulog na kayo. Buti pala at dalawa ang kama ni joy sa kwarto niya. Matulog na kayo ha! Goodnight!" Sabi ni tita at pumasok na sa kwarto niya.

Walang umiimik samin dahil alam ni joy na hindi ko pa kaya ngayon magsalita. Humiga na ako hanggang sa makatulog na ako.

-

[ lame ㅠㅠ ]

ericka || jinhwanΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα