Chapter 32

5.2K 169 16
                                    

Dedicated to Via. <3


Chapter 32

Marvin's Point of View

Oh I'm sorry girl for causing you much pain.

Pareho kaming napatigil ni Helen nang marinig ang naturang kanta. Pamilyar ang kanta sa akin, bukod kasi sa ito ang kantang pinakikinggan ko simula nang umalis siya kasama ng anak naming si Hevin ay memorable itong kantang ito sa amin noong una naming pagkikita.

Almost ten years ago...

Malakas ang ulan noon pero tila balewala lang sa akin ang mabasa. Brokenhearted kasi ako at wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa itsura ko ngayon--para akong isang basang sisiw na umiiyak at naglalakad sa ilalim ng ulan.

Hanggang sa mapadpad ako sa isang waiting shed at doon naupo, not even bothered by the presence of anyone around. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa isang sulok at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa lalaking pinakamamahal ko at pinag-alayan ko ng lahat-lahat, pati na ng savings account ko.

"Walangya ka! Sabi mo forever na tayo! Tapos bandang huli sasabihin mo sa akin na wala talagang forever!" pagmamaktol ko pa habang patuloy pa rin sa pagngawa.

Oh I'm sorry girl for causing you much pain. Yeah
Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain.

Hanggang sa namalayan ko nalang na may music ng kasama ang pag-eemote ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay may nakita akong bulto ng isang tao. Pagtingala ko, nakita ko ang isang babae na diretso lang ang tingin pero ang pagpapatugtog niya ay abot hanggang sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nang-aasar siya sa pagsesenti ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo nalang.

"I can be your drinking buddy if you want..." rinig ko pang sabi niya nang tumalikod na ako at sinubukang umalis sa kinaroroonan naming waiting shed. Kaming dalawa nalang ang tao that time dahil nang may dumaang bus ay hindi siya sumakay.

"Hmp!" napaismid ako. Sinasabi ko na nga, papansin lang sa akin ito! "No, thanks!"

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na lalong kinakulo ng dugo ko. Sino ba itong babaita na 'to na epal sa pagsesentimyento ko?

"I'm Helen, and you are?" Aba't nagpakilala nga ang gaga!

Hindi ko pa rin siya hinarap pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, wondering what the hell am I still doing here.

"Bakla, ramdam kita. Tara iinom natin 'yan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ramdam niya pala ang gender ko kaya naman hinarap ko siya, "Why are you offering help? I don't even need your hel—"

"Assumerang bakla," pagputol niya sa akin. "Hindi kita tinutulungan noh. Naiirita lang ako kapag nakakakita ng tulad mo. Nawalan lang ng lovelife, feeling nawala na lahat sa kanya? Iinom mo nalang 'yan, liligaya ka pa."

Medyo natawa ako sa sinabi niya and says, oo nga no?

Then I just found myself being with her while drinking ourselves to death. Nalaman kong naghahanap siya ng trabaho nang araw na 'yun pero mas pinili niyang makipag-inuman dahil feeling niya masasayang lang daw ang effort niya kung tutuloy pa siya sa pag-aapply dahil nga umuulan. Malas daw yun sabi sa feng shui na pinaniniwalaan niya. Masaya siyang kasama, malayo kasi sa mukha niya na parang ang cold tignan. Kaya naman I recommended her to my boss that time, si Madam Andrea na siya ring tinanggap agad ang huli. Ayun, we became officemates na parang aso at pusa. Lagi niya kasing sinasalungat ang mga ideas and opinions ko. Naalala ko pa ang lagi kong sinasabi sa kanya sa tuwing nag-aaway kami, "Oy babaeng walang utang na loob! Umayos ka, utang mo sa akin ang trabahong ito."

The Runaway Dad #Wattys2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang